Credits

PERFORMING ARTISTS
Still One
Still One
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ace Escalante
Ace Escalante
Songwriter

Lyrics

Hindi alam
Kung paano sisimulan ang araw ng wala ka sa tabi ko
Balisa at 'di makausap
Nami-miss ko na ang 'yong mga yakap
Alam kong mali ako, hindi ko 'yun itinatanggi sa 'yo
Sorry, mahal ko, natukso lang ako
'Di inasahang hahantong sa gan'to
Sinukuan mo 'ko
Ang guwapo naman nito kumpara sa 'kin
Plus, gusto kong humingi ng pasensiya sa 'yo
Pero biglang nalaman ko
Kayo na ng kaibigan ko
Gumuho ang aking mundo
Dahil s'ya ang karamay ko
Nu'ng mga araw na ayaw mo na
Akala ko ay kakampi ko sila
Pero mali pala
Dahil may relasyon kayong dalawa
Bakit kaibigan ko pa ang napili mong mahalin?
Alam ko na s'ya na ang dahilan kaya ayaw mo na sa 'kin
Alam kong nagkamali ako, pero mas masakit 'yung ganti mo
Mahal, salamat sa pinagsamahan
Kakayanin kong mabuhay mag-isa, ngayong wala ka na
'Wag kayong magpakatiwala sa mga taong nakapaligid sa inyo
Sobrang nasaktan ako sa nangyari
Hindi lahat ng taong kaibigan mo, dapat mong pagkatiwalaan
Hindi lahat ng taong nakakasama mo ay totoo sa 'yo
Ngayon, nalaman ko na
'Yung kaibigan kong kinikilig
Sa tuwing ang labi ko'y dumadampi sa 'yong bibig
Kapag ang salitang "Mahal kita" ay kaniyang naririnig
Ay mayro'n palang pagnanasang nakatago sa dibdib
Oo, nagkamali ako, hindi ko 'yun tinatanggi
Pero hindi ko matanggap ang masakit mo na ganti
'Yong mahalin mo ang kaibigan kong pinagkatiwalaan
At sinandalan ko nu'ng araw na ako ay iniwan
'Yung taong nakakita nung patak ng mga luha ko
'Yung taong nakaramay nung araw na nagdudusa 'ko
Kaibigan na saksi sa mga hirap kong dinanas
Ang hindi ko alam palihim pala akong inaahas
At hindi ko alam kasi parang planado ang lahat
Bukod sa inahas niyo 'ko, gusto niyo pa 'kong ibagsak
Pero magkagano'n pa man, minamahal pa rin kita
'Yung pangarap natin, gagawin ko 'yun nang mag-isa
Bakit kaibigan ko pa ang napili mong mahalin?
Alam ko na s'ya na ang dahilan kaya ayaw mo na sa 'kin
Alam kong nagkamali ako, pero mas masakit 'yung ganti mo
Mahal, salamat sa pinagsamahan
Kakayanin kong mabuhay mag-isa, ngayong wala ka na
Bakit kaibigan ko pa ang napili mong mahalin?
Alam ko na s'ya na ang dahilan kaya ayaw mo na sa 'kin
Alam kong nagkamali ako, pero mas masakit 'yung ganti mo
Mahal, salamat sa pinagsamahan
Kakayanin kong mabuhay mag-isa, ngayong wala ka na
Ah, babalik ako, pero please tulungan niyo 'ko makabalik
Nagbunting kasi ako ano gagawin ko ngayon
Babangon tayo, 'di ko hahayaang mawala kayong lahat
Please tulungan niyo 'ko tumayo uli
So, salamat sa inyong lahat and 'yun
Ah, maging lesson sa inyo ang sinabi ko na pekeng kaibigan
Written by: Ace Escalante
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...