Credits

PERFORMING ARTISTS
Naf
Naf
Performer
Reign Mark Flores Noriega
Reign Mark Flores Noriega
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Reign Mark Flores Noriega
Reign Mark Flores Noriega
Songwriter
Natalie Faye Alfar Ojerio
Natalie Faye Alfar Ojerio
Songwriter

Lyrics

sa tamang panahon (tamang panahon)
tamang panahon (tamang panahon)
bigla na lang, di nagparamdam,
bawat minutong lumilipas ay tila umiiwas
rin, sa akin
mauunawaan naman siguro kung sasabihin mo
ang nais ng iyong puso, kung di sigurado, at kung ayaw man
mukhang delikado, kung ngayon ay malabo, tama pa ba to?
dito na lang, wag nang lumisan
baka naman gustong pag-isipan
nararamdaman ng puso't isipan
ako'y makakapiling mo ba?
sa tamang panahon (tamang panahon)
tamang panahon (tamang panahon)
sa tamang panahon (tamang panahon)
ako'y makakapiling mo ba?
hindi ko alam kung naiisip mo na,
hindi pa handa ang puso't isip ko
pasensya na kung iniiwasan,
sana'y wag munang pag-usapan
kahit na sabihin kong mahal kita
panahon at ang damdamin ay mag iiba
di sigurado itong pangako ay tatagal
bibigay ba o bibitiwan
ang nadadama kung ipapagpalit lang
nag aalangan dahil kung pigilan
ako'y makakapiling mo ba?
sa tamang panahon (tamang panahon)
tamang panahon (tamang panahon)
sa tamang panahon (tamang panahon)
ako'y makakapiling mo ba?
saan pa ba papunta
kung tayo'y pinagtagpo lang
pero di tinadhana
tayong dalawa
kung tayo talaga, kay tamis ng bunga
di pipilitin sungkitin kung di pa handa
hinog sa pilit, kung aagawin ang para sa'tin sa huli
kung ipipilit ang di pa, baka di na makita
magandang nag aabang, kaya dapat pag-isipan
dahil kung tayo talaga sa tamang panahon,
di na natin kailangan pang ipilit pa ngayon
dito na lang, dito na lang
hayaan na lang kung muling magkikita
kung di pa handa, di pagpipilitan
sayo, ang makapiling ka—
pagbibigyan kung bibitiwan
walang alangan, sa puso't isipan
kung pagmamahal ay di sapilitan
ako'y makakapiling mo na
sa tamang panahon (tamang panahon)
tamang panahon (tamang panahon)
sa tamang panahon (tamang panahon)
tamang panahon (tamang panahon)
Written by: Natalie Faye Alfar Ojerio, Reign Mark Flores Noriega
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...