album cover
Alab
3
Hip-Hop/Rap
Alab was released on October 1, 2021 by Bongskie Music Productions as a part of the album Alab - Single
album cover
Release DateOctober 1, 2021
LabelBongskie Music Productions
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM93

Credits

PERFORMING ARTISTS
8th Street
8th Street
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Costi Gvybes Joshone Pol Guil G Wizzy J Raven
Costi Gvybes Joshone Pol Guil G Wizzy J Raven
Songwriter

Lyrics

COSTI
Pansamantala mang nanlamig sa'king mga pangarap
Ngayon ay bumabangon at pilit na niyayakap
hinahanap ko ang Alab na naramdaman noon na siyang nagiging pagdating ng panahon.
Alam kong mabagal at Hindi madali susuunging daan,
walang espasyo ang mali.
Alam kong kayo lang din Ang magiging lakas patungo sa aking mithiin patungong itaas.
GVYBES
Ano man ang pagsubok, harapin
Maabot ang rurok, panahon
na sayo'y huhubog, di ka dapat tamarin
isagad ang tutok
iipunin mga aral na mapulot
bantayan mo ang isipan sa hindi magandang dulot
walang oras na matulog kakayod hanggang mapagod
ano man ang naisipan mong gawin
simulan mo ng iyong marating
CHORUS
Wag na wag kang hihinto
Abutin ang mga pangarap mo
Mabigo man sa ngayon
Tadhana may hindi sayo sang-ayon
tangayin man ng alon sabay lang sa agos
pangarap mo'y hindi pa dito natatapos
JOSHONE
Dapat maging kalmado sa nilalakaran, mga Problemang dumaan ay wag mong tambayan.
Kahit marami tao Ang lagi kang hinuhusgahan, Hindi iyon dahilan para ikaw ay panghinaan.
Taasan mo Ang yong lipad Kailangan mong isagad, Para iyong matupad Ang Mga hinahangad.
Ito ay aral sa iyo para pagbutihan mo, Kase 'di ka nag iisa kakampe mo sarili mo.
POL
Wag kang matatakot na harapin problema mo
Lagi mong tatandaan na bilog iyong mundo
kahit takbuhan mo 'to, o talikuran mo man 'to
Sa huli haharapin mo sa ayaw o gusto mo
Kaya wag kang matatakot na ito ay kalabanin
Lagi siyang nandyan gumagabay para sa atin
kahapon o ngayon kung bukas man ay mamalasin
idikit lang kamay manalangin sa ama natin
(CHORUS)
GUIL G
Abutin man ng takipsilim tuloy lang ang tiyaga
Mapagod man sa maghapon ganun lang talaga
Ano man maging klima, bulok man ang sistema
Hindi magpapatibag, piyesa ko ang aking tema
Ang maabot at marinig aking mensahe
Di man sapat dala ko laging pamasahe
Marami man ang madinig na sinasabe
Tuloy lang kahit malayo man ang biyahe
WIZZY J
SALAMAT SA MGA TAONG NAGBUKAS NG SARADO KONG PINTO .
KAYO ANG DAHILAN KUNG BAKIT DI AKO BASTA HUMINTO .
KASAMA KO KAYO SA LAHAT NG AKING PANGARAP .
DAHIL ANG TAGUMPAY NG ISA AY TAGUMPAY NATING LAHAT .
TIWALA SA SARILI ANG ATING KAILANGAN .
LAKASAN ANG LOOB AT WAG PANGHINAAN .
TULOY TULOY LANG NATIN TO AT WAG NATING TIGILAN .
BALANG ARAW AY MALALASAP ATING PINAGHIRAPAN
(CHORUS)
RAVEN
Kaya kahit na ano pa ang sabihin nila
kahit na hilain ka nila pababa
patunayan mo sa kanila na kaya mo
Abutin mo lang ang 'yong mga pangarap (2x)
(CHORUS)
Written by: Costi Gvybes Joshone Pol Guil G Wizzy J Raven
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...