Lyrics

Nais kong malaman mo, ang pag-ibig ko sa 'yo Tunay at hindi lamang pakulo 'Di kita ipapako sa mga pangako 'Di rin kita bibilhin na parang boto 'Di ko man mabigay ang mundo Walang hanggang pagmamahal ang mapapasa'yo Kung ako ang pipiliin mo Wala akong gimik na dance number at kanta O gamitin ang pera ng iba Wala akong ibibigay na limpak-limpak na premyo 'Di rin kita mailalabas tuwing Linggo 'Di ko man mabigay ang mundo Walang hanggang pagmamahal ang mapapasa'yo Kung ako ang pipiliin mo Walang hihigit sa 'yo Ikaw ang magiging buhay ko Ikaw ang aking dahilan Ikaw ang aking magpakailanman 'Di kita iiwan, at 'di mo kailangang Mabagabag sa ating patutunguhan Sa puso kong inaalay, ika'y may libreng sakay Ang tanging pasahero habang-buhay 'Di ko man mabigay ang mundo Iaalay ko ang sarili para sa 'yo Kung ako ang pipiliin Kung ako ang pipiliin Kung ako ang pipiliin mo Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh Ah-ah-ah Ah-ah-ah Kung ako ang pipiliin mo
Writer(s): Dino Concepcion Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out