Lyrics

Halos sumabog na ang ulo sa pag-iisip ng halos lahat May tanong palagi sa dulo na "kailan nga ba 'to sasapat?" Laging iniisip ang mga sasabihin nila Kung 'yan ang tingin niyo sa akin ay di na ikakaila dahil para sa'n pa? Bawat tingin mo, ako'y nahihilo Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo Pag tama sa sentido Bawat tingin mo, ako'y nahihilo Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo Pag tama sa sentido Hawak ang larawan ng pag-asa Habang dahan dahang nawawasak Sa'king mga kamay, 'di mapalagay Sa'yong mga kamay, 'di maka-galaw Silang mga nakamasid sa dilim na parang gusto na akong sunduin ay Pinaunlakan sa piging, sinalubong pa ang pagdating Kinausap ko nang masinsinan, wala silang ibang hiling Kundi ang sila'y mahalin, subalit para yatang ang hirap gawin Bawat tingin mo, ako'y nahihilo Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo Pag tama sa sentido Bawat tingin mo, ako'y nahihilo Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo Pag tama sa sentido Hawak ang larawan ng pag-asa Habang dahan dahang nawawasak Sa'king mga kamay, 'di mapalagay Sa'yong mga kamay, 'di maka-galaw May mga gabing hindi mo ako pinapatulog Gising akong binabangungot Tila mag-isa na lamang sa sulok At sa apoy mo'y nasusunog Kasalanan bang Dumating sa hangganan Ang lahat ng kailangan ay binigay naman ang inakalang liwanag na sa iba ko matatamo Tila pangakong binitawan na walang makasasalo Ngayon ako, naririto Hawak ang larawan ng pag-asa Habang dahan dahang nawawasak Sa'king mga kamay, 'di mapalagay Sa'yong mga kamay, 'di maka-galaw
Writer(s): John Ernest Rosita Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out