Lyrics

Ang dami nang pinalipas Kay dalas na ngang umiwas Sige na, hayaan na Wala namang mapapala Ang dami nang kinalimutan Mga munting kabiguan Hindi na pinalalaki Sa damdamin ay kinukubli Ngunit may hangganan din Ngayon ang puso'y 'di susundin Maging ang ilaw ay napupundi Nawawalang unti-unti Gasera ma'y 'di laging may sindi Iniihip ng hanging kay dali Parang pag-ibig na dating kay tamis Ngayo'y napapawi na nang kay bilis Ahh-hah 'Di matuyong unan at kumot Mula sa luhang lihim na binuhos 'Di ko na kikimkimin Ngayon ang isip na ang diringgin 'Pagkat may hangganan din Ngayon ang puso'y 'di susundin Maging ang ilaw ay napupundi Nawawalang unti-unti Gasera ma'y 'di laging may sindi Iniihip ng hanging kay dali Parang pag-ibig na dating kay tamis Ngayo'y napapawi na nang kay bilis Ang pagdilim ng ilaw natin ay May kaliwanagan pa lang hatid Ito'y hindi mali't bulaang kabalintunaang Kay tagal ko nang batid Dahil maging ang ilaw ay napupundi Nawawalang unti-unti Gasera ma'y 'di laging may sindi Iniihip ng hanging kay dali Parang pag-ibig na dating kay tamis Ngayo'y napapawi na nang kay bilis Ahh-ha
Writer(s): Nicole Macapagal, Yumi Lacsamana Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out