album cover
Squard
1
Hip-Hop/Rap
Squard was released on May 14, 2022 by Siete Records as a part of the album One Shot
album cover
Release DateMay 14, 2022
LabelSiete Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM92

Music Video

Music Video

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Arnold Irving Descalsota Sanez
Arnold Irving Descalsota Sanez
Songwriter
Donn Nazareth Camacho
Donn Nazareth Camacho
Songwriter

Lyrics

Anim na talampakan na ba nagawa na lalim
Ng paghuhukay ko ng dahil nadama ay waring
Papatay ng kapatid tila lulong na lulong
Ako'y Cain na Cain, parang gutom na gutom
Ito'y 'di dahil sa selos pero ng dahil sa Pesos
Mga pinagdaanan ay isang daan na tinabunan
Pagsalubong, pagharap, sya'y tagatugis ng ganap
At halaga ko sa kanya, isang daan at limampu lang?
Biglang nakita ng mata
Na hinayaan mo ako, hindi naiwan ng basta
Ika'y bulag sa salapi, yan ang malinaw talaga
Binayaran ng papel, ba't ka nasilaw sa barya?
Nagmadali at siguradong walang planong madapa
Malayo na 'yong narating, hindi lang sakto natala
Ako ang hindi lumugar, oh sya, ako na lahat
Sige takbo, tutal, ako nagturo sayong maglakad
Di mo na kayang harapin at 'di mapagtapat naman
Na dati kong katalikuran, eto, biglang tumalikod
Pasensya ka na't ito ang dapat tandaan
Marunong akong magpatawad pero 'di ang kumalimot
Masakit 'to para sakin na iyong ginugulangan
Ako utak ng Pito, kaya mo ba inuutakan?
Animo'y sinusugatan, nadaramay ganon
Sinusulatan ko ngayon yung dati kong sinusulatan
Para lamang droga, ikaw dito ay inakit
Tas naadik ka sa rap, iba na tugon sayo
Di ka gumagamit pero ako mismo ay ginamit
Alam ng lahat iyong pinagkalulong ako
Kung may rumerespeto sakin, wala, kayo man
Kung may tampo ko sa iba, wala, sayo lang
Malamang wala ka nyan, kung wala ako nyan
Yung 'di mo pagpapasalamat ay walang anuman
Kase kung papalag ako dyan, ako ang talunan
Pakainin mo man ang ahas, magkakatukaan
Sana nga ang kwentong to'y isang parabola lang
Eh pumeklat kung san dati nakabaon ang fangs
Hindi ako yung tipo ng tropa na sasalo ng bala
Ako yung tipo ng tropang kakalbit para sayo
Kaya sino ba talagang nawalan ngayong wala ka
Wag dagtang lasonin tropa't kakati ang kamay ko
Lang usapan kung argumento'y may kasamang chismis
Pinapangalandakan? may ibang ini-impress
Walang war-war, pero wala ring peace-peace
Tawagin man kitang Boss, galaw ko'y none of your business
Simpatya mong nilalako, bokya sa tao
Pasikat pa 'tong dating tambay ng aking anino
Pangalan mo na sakin ay Oman Ignatio
Tulad ng ginawa mo sakin, baliktarin mo
Nagpakulo ka nung past ah: Chef Boyardee
Pero sinindikato mo: Siobal D
Pareho tayo na naghahanap ng loyalty
Kung ikaw ang hari, bat nasakin royalties
Sa teleseryeng 'to, dapat nade-depress ako
Kaso ebidensya mo, nag e-exist ba 'to
At press release, sayo? patingin ng medicine cabinet nyo't
baka medicine lang na meron dyang nag e-exist, bato
Ika'y nakakulong na dito, padalang ng padalang pa naman
Pagkakataong makauto ang bibo
Para sa coins, 'kakanulo mo peace mo
Baka mag post si Sors ng: tropa ni Santo, nakalunok ng piso
Walang permanente at hindi bawal magpalit
Ng mahal sa buhay at ng mga parang kapatid
Sabi, ang tunay mong kalaban ay yung nasa salamin
Tama nga't kita sa rear view, na ika'y galit
Una na ko, yeah
Written by: Arnold Irving Descalsota Sanez, Donn Nazareth Camacho
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...