Music Video

Music Video

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Ralph Lander Sta. Maria Tarroja
Ralph Lander Sta. Maria Tarroja
Songwriter

Lyrics

Relasyon 'di masasalba, sakit ang dulot mo sa akin, tayong dalawa'y malabo na
Maniwala'y hindi na, (hindi na)
Ubos na ang pasensya (tama na)
Sa mga pangako mong 'la naman maski isa na natupad
Maniwala sayong sinabi (what?) oo lahat yun kasalungat pagkat
Oo nga nagbago ka, mas lumala tila 'di na kilala
Teka, kilala? ba talaga kita o pinakita sa'king mukha mo ay maskara?
Kase, litong lito na ako, dalang dala na sayo
Sa dami ng sakit na sinalo, ang dating pusong mamon kasing tigas na ng bato
Ayos na ako sa ganito, pwede nang ikaw ay lumayo
Kesa na kasama ka't palagi lang akong bigong ayusin meron tayo kasi 'la ka namang balak mag tino
Gising na ako't malabo na, iyong mabola pa, 'lam kong ramdam mo na, ayoko na
Sa drama mo? hindi na madadala
Hanap nang iba? pwede ng magawa, kase kung sakin aasahan mo lang ay "WALA"
'lam kong ramdam mo na, ayoko na
Sa drama mo? hindi na madadala kase
Relasyon 'di masasalba, sakit ang dulot mo sa akin, tayong dalawa'y malabo na
Maniwala'y hindi na, (hindi na)
Ubos na ang pasensya (tama na)
Laging pinipilit, 'la ng kusa, natakbo pa ba ko sayong isip?
Ramdam ko na nasa bingit, ang meron sa'tin pwede ba sa akin ka'y tumitig?
Kase ang babaw ng problema, pero pinalalim kaya tayo'y nakasisid
Nalulunod na sa luha, ubos na ang lakas bakit dito tayo nahilig?
Ikaw din ang bumali, sa panang pinana sa atin ni kupido
Istupidong manatili kung sa tiyan mo ay wala ng paro-paro
Layong layo na sayo, pa'no sinagad ngayon punong puno
Pasensya na mahaba puputulin ko, kesa magsilbi tong lubid at ibitin ko - ako
Gising na ako't malabo na, iyong mabola pa, 'lam kong ramdam mo na, ayoko na
Sa drama mo? hindi na madadala
Hanap ng iba? pwede nang magawa, kase kung sakin aasahan mo lang ay "WALA"
'lam kong ramdam mo na, ayoko na
Sa drama mo? hindi na madadala kaseee
Relasyon 'di masasalba, sakit ang dulot mo sa akin, tayong dalawa'y malabo na
Maniwala'y hindi na, (hindi na)
Ubos na ang pasensya (tama na)
Relasyon 'di masasalba, sakit ang dulot mo sa akin, tayong dalawa'y malabo na
Maniwala'y hindi na, (hindi na)
Ubos na ang pasensya (tama na)
Written by: Ralph Lander Sta. Maria Tarroja
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...