album cover
Barbero
12
Original Pilipino Music
Barbero was released on April 26, 1993 by Alpha Records as a part of the album May Puno
album cover
Release DateApril 26, 1993
LabelAlpha Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM130

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
D' Big 3 Sullivans
D' Big 3 Sullivans
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Martin Cacnio Lopez
Martin Cacnio Lopez
Songwriter

Lyrics

Dito kay Ambong barbero
Tiyak na mawiwili kayo
Ang trabaho'y kumpleto
Bawat gupit ay piso
Libre ahit, mayroon pang pabango
Ganyan si Ambong barbero
Habang gumugupit ay panay ang kuwento
Kahit wala ng diyaryo at radyo
Ayos lamang kay Ambong barbero
Hoy, mga suki, halina't magpagupit kayo
Pagka't bagong hasa ang gunting at labaha
Mayroong pang balita, tiyak na maririnig ninyo
Sa aking masahe, masisiyahan kayo
Panay ang daldal, panay ang kuwento
Ganyan si Ambong barbero
Itong trabahong barbero
Hindi successful 'pag wala itong kuwento
Kahit sinong customer ay gusto
'Pag may kuwento ang ating barbero
Mang Ambo, Mang Ambo, nako, dali kayo!
Oh, bakit, magpapagupit ka ba?
Hindi po, ang asawa ko manganganak
Damuho ka! Ako'y barbero, hindi hilot!
Sige na po, Mang Ambo, tulungan n'yo asawa ko!
Tigilan mo nga 'ko, sa ospital mo dalhin!
Hoy, mga suki, halina't mag pabonsilya
May tuwalyang mainit sayo'y magpapaginhawa
Taginting ng gunting ang sa inyo'y haharana
Ahit at masahe ang siyang kukumpanya
Libreng pulbos, umuusok
'Pag binuhos sa inyong batok
Ganyan si Ambong barbero
Habang gumugupit ay panay ang kuwento
Kahit wala ng diyaryo at radyo
Ayos lamang kay Ambong barbero
Kahit wala ng diyaryo at radyo
Ayos lamang kay Ambong barbero
Oh, ayan, tapos na
Ay salamat, Mang Ambo
Aba, nasa'n ang tainga ko?
Ay, nasama sa tuwalya!
Written by: Martin Cacnio Lopez
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...