Credits

PERFORMING ARTISTS
Omar Baliw
Omar Baliw
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Omar Baliw
Omar Baliw
Songwriter

Lyrics

Darating din ang para sa 'yo
Darating din ang para sa 'yo
Darating din ang para sa 'yo
Para sa 'yo, para sa 'yo (yeah-uh)
Matagal-tagal din na sumubok, hindi nangalay
Hindi rin birong sakripisyo, aking inalay
Tanim, dilig, inalagaan, mas sinipagan
Sagabal sa aking paglago ay inilagan
Sadyang mapaglaro ang mundo, inutakan
Panis pa rin ang kahirapan, inupakan
Hindi nagpakulong sa kahon, nilawakan
Ngayon, kaginhawaan lamang ang hinawakan
Nasanay lang din kakalakbay
Kakasagwan, walang kasabay, walang kaakbay
Papalag at kakalag 'yan sa buhay, dapat malaya
Sasalag 'yan, s'yang tunay, 'wag kang madaya
Pumapatak na ang oras, maging mautak
Kahit ano pa man humarang, dapat matulak
Sulitin lamang bawat araw, sagadin
'Wag nang pakawalan, pagkakataon sakalin
Manatili kang nakatayo (yeah), lumakad hanggang sa makalayo (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta 'wag kang mauubusan (oh, oh)
Nang diskarte't lakas ng loob (yeah), sa pagsubok 'wag kang pataob (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta wag kang mauubusan (oh-yeah-yeah)
Kilala niyo naman ako, malihim
Sa isang kagatan, may tatoong ibig sabihin
Pagpasensiyahan n'yo na 'ko
Akala ko kasi sapin-sapin ang kakaning nais ninyong kainin
Sanay sa puyatan, kaya naman madalas tinutulugan
Sa una, mahirap makuha nang isang upuan
Sa bawat inuman, may aral ka ring kapupulutan
Mas maigi na ring sinubukan kaysa sinukuan
Ika nga ni Gloc, "Mangarap nang mataas"
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Ako 'yong ligaw na tupang napadpad sa may kambingan
Nagising bigla 'yong diwang natutulog sa pansitan
Lakad pasulong kahit madaming nakaharang
Dinaanan ang lansangan, bibihira lang lakaran
Tinuloy-tuloy ko lang hanggang sa makabisa
At malay mo naman, sa makalawa, makaisa
Manatili kang nakatayo (yeah), lumakad hanggang sa makalayo (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta 'wag kang mauubusan (oh, oh)
Nang diskarte't lakas ng loob (yeah), sa pagsubok 'wag kang pataob (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta wag kang mauubusan (oh-yeah-yeah)
Darating din ang para sa 'yo (para sa 'yo)
Maghintay kung hindi man ngayon (hindi man ngayon)
Daming balakid, alam mo na 'yon (alam mo na 'yon)
Pero darating din ang para sa 'yo, uh (para sa 'yo)
Darating din ang para sa 'yo (para sa 'yo)
Maghintay kung hindi man ngayon (hindi man ngayon)
Daming balakid, alam mo na 'yon (alam mo na 'yon)
Pero darating din ang para sa 'yo (para sa 'yo)
Manatili kang nakatayo (yeah), lumakad hanggang sa makalayo (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta 'wag kang mauubusan (oh, oh)
Nang diskarte't lakas ng loob (yeah), sa pagsubok 'wag kang pataob (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta wag kang mauubusan (oh-yeah-yeah)
Manatili kang nakatayo (yeah), lumakad hanggang sa makalayo (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta 'wag kang mauubusan (oh, oh)
Nang diskarte't lakas ng loob (yeah), sa pagsubok 'wag kang pataob (yeah)
Darating din ang para sa 'yo, basta wag kang mauubusan (oh-yeah-yeah)
Darating din ang para sa 'yo
Darating din ang para sa 'yo
Darating din ang para sa 'yo
Para sa 'yo, para sa 'yo
Darating din ang para sa 'yo
Darating din ang para sa 'yo
Darating din ang para sa 'yo
Para sa 'yo, para sa 'yo (oh, oh)
Written by: Omar Baliw, Omar Harry Balmes Manzano
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...