Credits
PERFORMING ARTISTS
Xia Vigor
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Mark Carpio
Songwriter
Lyrics
Ikaw ang ligaya na hulog ng langit
Nagsisilbing laging gabay sa’n man makarating
Sa higpit ng yakap mo
Pinapawing takot
Laging nariyan ka sa ‘king tabi
Dahil sa ‘yo inay ang pangarap mo’y
Unti-unti ko nang nakakamit
Salamat sa ’yo inay ang pag-ibig mo’y
Walang ibang may kayang dumaig
Ikaw ang liwanag kahit nuon pa man
Salamat sa pangaral kung ‘di paano na
Kahit ano’ng pagsubok
Buo na ang loob
Sa ‘yong gabay ay kaya nang tumindig
Dahil sa ‘yo inay ang pangarap ko’y
Unti-unti ko nang nakakamit
Salamat sa ‘yo inay ang pag-ibig mo’y
Walang ibang may kayang dumaig
Huwag ka pong mag-alala
‘Di lilisan sa iyong tabi
Kung ‘di dahil sa iyo lahat ng pangarap ko’y
Paano na kaya makakamit
Pangako sa ‘yo lahat ng pangaral niyo’y
Laging dala kahit saan
Nakaukit sa ‘king isip
Laging dala sa’n man makarating
Written by: Mark Carpio