Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Kyle Michael Anunciacion
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Kyle Anunciacion
Songwriter
Lyrics
Uhaw ng maghapong kay lumbay
Na nakapanlulumo
Ang dugo at pawis na saklay
Ay s'ya mismong pumupukpok
Animo'y martilyong sa akin ay sumusubok
Sa nangangatal kong bisig
At lalamunan na nanginginig
Malapit nang mabulid, tumumba
Sa kakalakad ko
Tinitiis ang layo kahit na
Talampakan ma'y magdugo
Ganito kahirap ang sumabay
At magsikhay
Sinong makatatanggi?
Mapipigil ko ba ang sarili?
Inalok n'ya ako agad ng basong
Umaapaw pa sa likidong
Magsisilbi na panukat
Sa kalakasan ko
Gamit ko ay tapang
Yabang at lakas ng loob
Na hindi masasaniban
Na didiretso sa bituka
At hindi sa ulo
Ba't biglang nahilo?
Kailangan ko ng tulong
Tumawag kayo ng uwak
Barya-barya lang ang hinihimay
Laman ng pitaka ko
Bisyo na sa aki'y pumapatay
Oh nasa'n na nga ba ako?
'Di ba kani-kanina lang
Malinaw ang mundo
At ngayon-ngayon lang din
Umiikot ang lahat dahil
Inalok n'ya ako agad ng basong
Umaapaw pa sa likidong
Magsisilbi na panukat
Sa kalakasan ko
Gamit ko ay tapang
Yabang at lakas ng loob
Na hindi masasaniban
Na didiretso sa bituka
At hindi sa ulo
Ba't biglang nahilo?
Kailangan ko ng tulong
Tumawag kayo ng uwak
Bakit ang iba ay gising na gising?
Kapag umiikot na ang Gin
At ako naman ay bitin na bitin
Halos ipaligo na ang beer
At buong gabing ganito
Inalok n'ya ako agad ng basong
Umaapaw pa sa likidong
Magsisilbi na panukat
Sa kalakasan ko
Gamit ko ay tapang
Yabang at lakas ng loob
Na hindi masasaniban
Na didiretso sa bituka
At hindi sa ulo
Ba't biglang nahilo?
Kailangan ko ng tulong
Tumawag kayo ng
Inalok n'ya ako agad ng basong
Umaapaw pa sa likidong
Magsisilbi na panukat
Sa kalakasan ko
Gamit ko ay tapang
Yabang at lakas ng loob
Na hindi masasaniban
Na didiretso sa bituka
At hindi sa ulo
Ba't biglang nahilo?
Kailangan ko ng tulong
Tumawag kayo
Tumawag kayo
Ng uwak
Uwak
Written by: Kyle Michael Anunciacion