Lyrics

Lumayo ka man sa akin At ako'y iyong limutin Masakit man sa damdamin Pilit pa rin titiisin Mga lumipas na ligaya Ang kahapong may pag-asa Mga pangarap na walang hanggan Ay naglaho paglisan mo, mahal ko 'Pagkat saan ka man naroroon Pintig ng puso ko'y para sa 'yo Naghihirap man ang aking damdamin Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw Limutin man kita'y 'di ko magawa Hindi pa rin ako nagbabago Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama Mga sandaling ligaya Kung ikaw ang siyang kasama Sana ay 'di na natapos pa Wala nang nais pang iba Sa gabi'y naaalala Nalulumbay 'pagkat wala ka Ang yakap mo'y aking inaasam Sana'y maulit pang muli, mahal ko 'Pagka't saan ka man naroroon Pintig ng puso ko'y para sa 'yo Naghihirap man ang aking damdamin Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw Limutin man kita'y 'di ko magawa Hindi pa rin ako nagbabago Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama Tuluyan mang tayo'y 'di magkita Umaasa pa rin ako, sinta 'Pagkat mahal kita, manalig ka Walang katulad mo sa buhay ko Ikaw lamang ngayon, bukas, kailanman Naririto ako, asahan mo Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama
Writer(s): Merija T, Contreras Delia N Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out