album cover
Pangako
101
Metal
Pangako was released on March 20, 2012 by Tower of Doom as a part of the album Valley of Chrome
album cover
Release DateMarch 20, 2012
LabelTower of Doom
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM149

Credits

PERFORMING ARTISTS
Valley of Chrome
Valley of Chrome
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Valley of Chrome
Valley of Chrome
Songwriter

Lyrics

Oh, ang bugso nitong damdamin o ang bukas na nasa akin
Dapat 'di maging alipin sa unos na dulot nila
'Di na 'ko hahamakin, oh, at aking lilisanin
Ang lugar na madilim dahil kasama na kita
At 'di na mabigat ang krus na aking pasan
Bigla nang gumaan, mayro'ng kahulugan
'Di na mahapdi ang pako sa kamay
Nabuhay nang muli ang puso kong patay
Oras nang iwanan 'to, ika'y hinanap ko at nagtagpo
Hanggang maging abo, ito'y pangako ko
Hawak ko ang 'yong kamay, sa buhay ko'y tanging gabay
Hanggang maging abo, ito'y pangako ko
Nag-iisa sa laban, walang tunay na pangalan
Dulot ay kawalan at walang nais umintindi
'Di na mangangamba, wala nang nanaisin pa
Sa bawat sandali, pananalig tumitindi
Oras nang iwanan 'to, ika'y hinanap ko at nagtagpo
Hanggang maging abo, ito'y pangako ko
Hawak ko ang 'yong kamay, sa buhay ko'y tanging gabay
Hanggang maging abo, ito'y pangako ko
'Di mawawala sa isip ko (ito'y pangako ko)
Pinapangako ko ito
Sisirain ang bawat harang
Pagsasama na walang patlang
'Di pa to ang katapusan
At 'di na mabigat ang krus na aking pasan
Bigla nang gumaan, mayro'ng kahulugan
'Di na mahapdi ang pako sa kamay
Nabuhay nang muli ang puso kong patay
Ako'y nakahawak sa iyong kamay
Walang pagsisising ako ay naghintay
Nakaukit sa 'kin ang pangalan mo
Ako at ikaw, hanggang maging abo
Oras nang iwanan 'to, ika'y hinanap ko at nagtagpo
Hanggang maging abo, ito'y pangako ko
Tapos na ang paghihintay dahil ika'y naging tulay
Hanggang maging abo, ito'y pangako ko
Written by: Valley of Chrome
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...