Credits
PERFORMING ARTISTS
Tim Dionela
Vocals
Samuel Dice
Synthesizer
COMPOSITION & LYRICS
Tim Dionela
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Tim Dionela
Producer
Lyrics
Bakit napatid no'ng napatid kulay pulang tali
Nating nakabigkis dati sa 'ting dalawa?
Likas sa 'ting lumikas 'pag bagyo'y nagbabadya
Bakit ngayon tahanan natin ay nawawala?
Walang ibang galaw kundi ang bumitaw
Mga paruparo sa tiyan ko ay naging barang
Walang maling galaw no'ng mayro'n pang ikaw
Nagsilbing mapa, ngunit ba't ako'y iniligaw?
Bakit ganito? Sinanay mo 'ko ta's bigla kang lumayo
Wala nang bisa 'yong isa, apat, tatlo
'Eto, wala na ngang tumitibok sa dibdib ko
Baka naiwan ko sa 'yo
Lipad, lipad, paruparo, lipad
Lipad, lipad, paruparo, lipad (hindi na 'ko mabubuo)
Lipad, lipad, paruparo, lipad
Lipad, lipad, paruparo, li-
Wala nang makapitang patalim, yeah
Nagyelo na 'yong dati na mainit
Ang musika ay tila tumatahimik
Kaya mo naman palang umayaw
Bakit ka pa sumama sa 'kin palayo?
Deretso lang, 'di ba? Ba't ka lumiko?
Pa'no lalakad na sa 'yo'ng sulo, dala palayo?
Ngayon sa dilim ako nakatayo
Walang ibang galaw kundi ang bumitaw
Mga paruparo sa tiyan ko ay naging barang
Walang maling galaw no'ng mayro'n pang ikaw
Nagsilbing mapa, ngunit ba't ako'y iniligaw?
Bakit ganito? Sinanay mo 'ko ta's bigla kang lumayo
Wala nang bisa 'yong isa, apat, tatlo (I love you)
'Eto, wala na ngang tumitibok sa dibdib ko
Baka naiwan ko sa 'yo
Lipad, lipad, paruparo, lipad
Lipad, lipad, paruparo, lipad (hindi na 'ko mabubuo)
Lipad, lipad, paruparo, lipad
Lipad, lipad, paruparo, lipad
Ako ang nasa dulo ng bahaghari
Langit ay hindi na sa 'king labi
Puwede pa bang angkinin
Ang nawala mong pagtingin?
Dating tunay ngayon naging kunwari
Puso mong iba na ang may-ari
Ako'y aasang dadating
Araw na ika'y babalik
Writer(s): Tim Dionela
Lyrics powered by www.musixmatch.com