Credits

PERFORMING ARTISTS
Johnoy Danao
Johnoy Danao
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Johnoy Danao
Johnoy Danao
Songwriter

Lyrics

[Verse 1]
Aking mahal
Pag-ibig ko sa iyo
Sukdulang maaarok
Kahit anumang bundok
[Verse 2]
Aking mahal
Sa iyo'y walang papantay
Sa dulot mong kasiyahan
Mundo ko'y naging makulay
[Chorus]
Ang iyong ngiti ang babati
'Pag bisita ng lumbay
Ang iyong kamay
Aking gabay sa pagsikot, sikot ng buhay
[Verse 3]
Aking mahal
Salamat nang lubusan
Ngayo'y may kahulugan
Ang bawat sikat ng araw
[Chorus]
Sa iyong bisig ay kakapit
'Pag bumibigat na ang dibdib
Sa boses mo mapanatag
Ang isipan kong gulong, gulo
[Verse 4]
Aking mahal
Sana'y laging pakinggan
Itong awitin sa iyo
Kahit 'di ka kapiling
[Verse 5]
Kung iyong mamarapatin aking uulitin
Hanggang sa madama mo
Na ikaw lamang
Aking mahal
Aking mahal
Written by: Johnoy Danao
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...