album cover

Ramdam Mo Ba?

1Vocal Pop2023
album cover
Ramdam Mo Ba? was released on January 7, 2023 by Mariah Deborah as a part of the album I Wanna Eat Your Intestines
ReleasedJanuary 7, 2023
LabelMariah Deborah
BPM83
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Di na ako mapakali
Ang layo ng 'yong mga tingin
Alam mo na ba aking kinakatakutan?
Wala ni isang umiimik
Nakasandal lang sa'yong dibdib
Sino nga ba sa'tin ang unang lilisan?
Habang tayo'y nakatapak sa basang damuhan
Nakatitig sa bituing nasa kalangitan
Ang tulang sinusulat ng aking mga labi
Sa iyong pisngi ay huwag kalilimutan
Habang tayo'y umiindak sa katahimikan
Nag-aalangan na sa ating kapalaran
Ang tanong na tumatakbo sa aking isipan
Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Ramdam mo na ba?
Ang aking pagdududa
Sa'yong pinapakita
Ang tanging sigurado ay
Di ka sigurado sa akin, sinta
Ayokong natatalo
Matagal na akong tumatakbo
Pero ano nga ba ang mga rason mo't
Bakit ika'y lumalayo?
Sa iyong pagpiglas ay ba't mas kumakapit ako?
Habang tayo'y nakahiga sa iyong kanlungan
Nakatitig sa larawang nasa aking harapan
Ang tulang sinusulat ng aking mga labi
Sa iyong pisngi ay huwag kalilimutan
Habang tayo'y umiindak nang walang katiyakan
Pinipilit labanan ang ating kapalaran
Ang tanong na tumatakbo sa aking isipan
Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Ramdam mo na ba?
Ang aking pagdududa
Ang aking pagkabalisa
Ngunit di ako ang mauunang
Bibitaw sa ating dalawa
Umamin ka na
Habang maaga
At kung papatay ka man
Ilibing mo ako, sinta
Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Ramdam mo ba?
Iyong konsensya
Written by: Mariah Deborah Cabatbat

Shazam Footer

Select language:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

Follow Us

Loading...