Lyrics

Gusto kong magpaliwanag sa iyo Ngunit 'di kinakausap 'Di ko inasahang diringgin mo Nakatingala sa ulap Alam kong nasaktan na naman kita Ngunit 'di ko naman sinasadya Hinding-hindi na mauulit, sinta Sana'y maniwala ka Sabihin mo na Kung anong gusto mo Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo Sabihin mo na Kung papaano mo mapapatawad Ilang araw mo nang hindi pinapansin Ilang araw pa'ng lilipas? Nakatanga sa harapan ng salamin Naghihintay ng bawat bukas Lahat naman tayo'y nagkakamali Sinong 'di nagsasala? Ngunit papa'no babawi sa pagkakamali? 'Yun ang mahalaga Sabihin mo na Kung anong gusto mo Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo Sabihin mo na Papaano mo mapapatawad Patawarin mo sana, sinta 'Di ko sinasadya Sabihin mo na Kung anong gusto mo Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo Sabihin mo na Papaano mo mapapatawad Sabihin mo na, sinta Kung papano mo mapapatawad Oh-oh
Writer(s): Top Suzara Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out