album cover
Sa Ngalan Mo
album cover
Sa Ngalan Mo was released on March 17, 2014 by Universal Records as a part of the album Effect Desired None
March 17, 2014
LabelUniversal Records
BPM73
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Pa'no mo iibigin 'sang tulad kong marupok, sugat-sugat
Saplot ang galos ng nakaraan?
Pa'no hihilumin? Pa'no ko tatanggapin?
Ano'ng usapan? Agaw buhay ang pag-asa
Oh, tatawagin ko, lalapitan ko
Ang siyang umagaw sa lalawigan ng noon
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Huwag mo 'kong lisanin nang tunay kang maibig
Pa'no mo lilipulin daang-daang kong pagkasira
Sa kakababad sa sarili kong pang-unawa?
Sa'n ko hahanapin? Pa'no ko sasadyain
Ang iyong anyaya? Ako'y marungis, 'di makalapit
Oh, tatawagin ko, lalapitan ko
Ang siyang umagaw sa lalawigan ng noon
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Huwag mo 'kong lisanin nang tunay kang maibig
At sa tuwina'y masasambit ang ngalan mo
Ipit sa sisi, bilang ko ang kulang mo
Ngunit lahat ng ito, lahat ng ako
Handa na maging iyo
Oh, tatawagin ko
Oh, tatawagin ko
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Huwag mo 'kong lisanin nang tunay kang maibig
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana, ganap mong himbing
Sa aking pagbalik nang tunay kang maibig
Written by: Aia De Leon
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...