Credits

PERFORMING ARTISTS
Celeste Legaspi
Celeste Legaspi
Performer
COMPOSITION & LYRICS
B Vega
B Vega
Songwriter

Lyrics

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng parang papaga-pagaspas
'Sang bara ang tapis, 'sang dangkal ang manggas
Ang saya'y de-kola, isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya, may suklay pa man din
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad ng pakendeng-kendeng
Sampaguita ng ating bayan
Bulaklak na bango ng buhay
Simputi ng sumpang dalisay
Ng pagsintang 'di mamamatay
Siya raw ang dating pagsuyo
Ng dalagang minsa'y nangako
Sa binatang dagling lumayo
Sa naghihintay na dakilang puso
Sa pagluha, pumanaw ang paraluman
Ngunit sa libingan, nakita'y halaman
Bulaklak ay puti't may tanda ng buhay
Sumpa kita ay waring bulong ng bawat nagdaraan
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakila ang hiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak (batis ng ligaya at galak)
Hantungan ng madlang pangarap
'Yan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
Ang dalagang Pilipina (ang dalagang Pilipina)
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging sa kumilos
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
May tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak (batis ng ligaya at galak)
Hantungan ng madlang pangarap
'Yan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
Ang dalagang Pilipina
Written by: B Vega
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...