album cover
Lakbay
album cover
Lakbay was released on May 19, 2019 by Tower of Doom as a part of the album Lakbay - Single
May 19, 2019
LabelTower of Doom
BPM157
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Sa liwanag ng araw, inihahambing ang 'yong mga ngiti
(Hanggang ngayo'y napapaisip, ito ba ay isang panaginip?)
Katulad sa bughaw na langit ang mga titig mo sa akin
Parang hanging dumadamping paulit-ulit
Halika't sumama, simulan ang bagong kabanata
Tuklasin ang bawat pahina ng tadhana
Ikaw ba'y sigurado na sa 'yong nararamdaman?
Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo
Ngunit sa init ng 'yong halik, ito'y humihinto
Tayo'y patutungo sa walang hangganan
(Lahat ng kinakailangan, hinding-hindi pababayaan)
Kahit na may hadlang sa ating daanan
Ito'y ating makakayanan
Kung ika'y sigurado na sa 'yong nararamdaman (nararamdaman)
Ang pangakong hindi ka na luluha pa
Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo
Ngunit sa init ng 'yong halik, ito'y humihinto
Hindi ka na kailangang mag-isa
Hawak-kamay tayong maglalakbay
Sulitin ang bawat sandali
Magdahan-dahan huwag magmadali
Nandito na ang oras
Sugurin natin ang bukas
Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo
Ngunit sa init ng 'yong halik, ito'y humihinto
Hindi ka na kailangang mag-isa
Hawak-kamay tayong maglalakbay
Kung magbago man ang panahon
Hindi na kinakailangan, walang pag-aalinlangan
Kung magbago man ang panahon
Kailangan nang, ah-ah-ah-ah-ah
Written by: Arianne Gonzaga, Kenndrick Marayag, Kyle Cayton, Mark Izon
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...