Credits
PERFORMING ARTISTS
Valley of Chrome
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Rogel Africa
Songwriter
Jordan Constantino
Composer
Elijah Borreros
Composer
Paul Eusebio
Composer
Lyrics
Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga't di mo naiinom ang luha ng kaaway
Pag napawi ang abo, tayo ang matitira
Pag napawi ang abo, tayo ang matitira
Maraming pinatunayan, maraming dinaanan
Binagyo at sinunog walang sugat na nagmarka
Binaha at nilunod,
Tuloy pa rin ang paghinga
Hinugis ng bakal at apoy
Puso ay pinatibay ng ulan ng bala
Ito ay koro ng inaapi
At awitin ng magwawagi
Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga't di mo naiinom ang luha ng kaaway
Sa awit ng demonyo, hindi ka sasabay
ang papawi sa pusong uhaw ay luha ng kaaway
Walang sinuman ang makakapigil
Sa lait nila di pasisiil
Martilyong babasag sa ilusyon
Pinatibay ng paglipas ng panahon
Hawak mo ang tropeo
ng kanilang pagkamuhi
Hawak mo ang tropeo
ng kanilang pagkamuhi
Wala paki kung di sumikat
ang araw sa takipsilim
Galit nila ang bumubuhay
sa katawan mong mortal
May rason talaga kung bakit
di sila nagtatagal
Hinugis ng bakal at apoy
Puso ay pinatibay ng ulan ng bala
Ito ay koro ng inaapi
At awitin ng magwawagi
At luluha pa kayo
Written by: Elijah Borreros, Jordan Constantino, Paul Eusebio, Rogel Africa