Lyrics

Paminsan-minsan, naaalala pa rin kita Kahit ngayon mayro'ng nagmamahal na ngang iba Tuwing maiisip itong damdamin, nagbabalik At para bang nariyan ka pa sa aking tabi Muling nadarama ang yakap mo Natitikmang muli ang halik mo Naririnig, sinusumpang ako ay mahal mo Paminsan-minsan, ang alaala mo'y nagbabalik At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang Paminsan-minsan, tinititigan larawan mo Unti-unting pumapatak ang luha ko Pinagsisihan lahat ng aking pagkukulang Kaya ikaw nga sa akin ay lumisan Kahit ngayon, mayro'n akong iba Kahit sinasabing mahal ko s'ya Sa puso ko, ikaw pa rin ang mahal ko Paminsan-minsan, ang alaala mo'y nagbabalik At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man ngayon Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang
Writer(s): Aaron Paul Del Rosario Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out