Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Zephanie Dimaranan
Zephanie Dimaranan
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter
Christian Martinez
Christian Martinez
Songwriter
Tommy Katigbak
Tommy Katigbak
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Jonathan Manalo
Jonathan Manalo
Producer

Lyrics

Habang tumutunog ang gitara, sa 'kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking isinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil
Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami d'yang iba
Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon
Hindi mo naman kailangan na sagutin ang aking hinihiling
Nais na maparating na 'di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa, 'di kailangang manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala upang makasama ka
Kapag nakikita ka, lagi kang aalalayan
Kahit ano man ang 'yong mga ibinubulong
Malalim pa sa balon, ito lamang ang
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Humingi na ba ng saklolo
Kay Spiderman o kay Batman
Kay Superman o Wolverine?
Kahit 'di maintindihan
Baka sakaling pansinin
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Ay ang pag-ibig ko sa 'yo, ito'y totoo
Wala nang iba, ikaw at ako lang ang nasa isip at panaginip
'Pag nakikita ka, sasabihin ko'y nawawala
Ikaw na nga ang dahilan kung bakit nasulat ko
Ang tulang kahit kanino ay aking maipagyayabang
Minamahal kita subali't tanggapin mo sana kahit...
Ganito lang ako
Simpleng tao
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo (ika'y masusundo)
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago ('di magbabago)
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo
Written by: Aristotle Pollisco, Christian Martinez
instagramSharePathic_arrow_out