album cover
Simula ng Dulo
202
Standards
Simula ng Dulo was released on August 2, 2019 by ABS-CBN Film Productions, Inc. as a part of the album Himig Handog 2019
album cover
Release DateAugust 2, 2019
LabelABS-CBN Film Productions, Inc.
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM77

Credits

PERFORMING ARTISTS
Davey Langit
Davey Langit
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Davey Langit
Davey Langit
Songwriter
Therese Marie Villarante
Therese Marie Villarante
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Jonathan Manalo
Jonathan Manalo
Producer

Lyrics

Nakabalot sa 'kin ang 'yong bisig
Pero 'di mo ako yakap-yakap
Nakabaling sa 'kin nang magising
Pero 'di mo ako hanap-hanap
Mayro'n ba 'kong dapat malaman?
Baka naman pwede nating pag-usapan
Hindi ko pa kayang aminin sa sarili
Huwag munang sabihin na
Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng ating dulo
Huwag ka munang umatras
Puting bandila'y 'wag mo munang itaas
At bitawan ang mga kinatatakutan kong salitang
Nasa dulo ng 'yong dila, huwag mong ibulalas
Magsinungaling ka sa 'kin
Ulit-ulitin mong sabihing ako'y mahal mo pa
Paniwalaan ko kahit 'di na totoo
Kahit alam ko nang
Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng dulo
Unti-unting bumibitaw
Lumuluwag na ang 'yong kapit at damdamin mo'y malayo
Lingunin mo naman ako
At ang mga plano at pangako na ngayo'y iiwanan mo
Ganon pa man, wala pa ring katulad ang iyong ganda
Kahit nagpapaalam na't nagsasabi na
Ito ang simula ng ating dulo
Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
Ito ang simula ng ating dulo
Written by: Davey Langit, Therese Marie Villarante
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...