Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
John Jireh Lim
John Jireh Lim
Vocals
Brian Lotho
Brian Lotho
Guitar
COMPOSITION & LYRICS
John Jireh Lim
John Jireh Lim
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Brian Lotho
Brian Lotho
Producer

Lyrics

Bakit ka nagagalit? Lagi na lang masungit Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin, oh-whoa 'Di ko pa rin maintindihan ang dahilan Kung bakit lagi ka na lang ganyan Kahit na ano'ng gawin ay mali pa rin Pinipilit ko na lang ika'y intindihin 'Di ka ba nahihirapan? Lagi mo 'kong iirapan Hindi lang masunod ang iyong gusto 'Di ako nag-alinlangan sundin ang 'yong kailangan Kahit alam ko na mahirap 'to Bakit ka nagagalit? Lagi na lang masungit Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin Pero kahit nagagalit, ba't 'di ka pumapangit? Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin, oh-whoa Kung 'di lang talaga kita mahal Hinding-hindi ako sa 'yo magtatagal Kahit na anong angas ko pagdating sa 'yo Isang tingin mo lang ay titiklop na ako 'Di kita kayang iwanan, 'di ko pa kayang lumaban Kahit mahirap sa 'king aminin 'to Sa tuwing nagtatampuhan, ayaw mo ng lampungan Ikaw pa rin ang tanging pipiliin ko Bakit ka nagagalit? Lagi na lang masungit Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin Pero kahit nagagalit, ba't 'di ka pumapangit? Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin, oh-whoa Kahit palagi kang masungit Ikaw ang para sa 'kin, aking kakayanin 'Di kayang pigiling ika'y suyuin Kahit paluhain, ikaw pa rin Bakit ka nagagalit? Lagi na lang masungit Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin Pero kahit nagagalit, ba't 'di ka pumapangit? Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin Bakit ka nagagalit? Lagi na lang masungit Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin Pero kahit nagagalit, ba't 'di ka pumapangit? Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin, oh-whoa
Writer(s): John Jireh Lim Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out