Lyrics

Ibang-iba ang nadarama ng puso ko sa 'yo 'Di ko na kaya ang umiwas pa sa piling mo Alam ko, mayro'n nang nagmamahal sa 'yo Bakit ngayon ka pa natagpuan sa buhay kong ito? Kasalanan ko ba kung iniibig kita? 'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita, whoa Kasalanan ko ba kung ang nadarama ay pag-ibig na tapat? Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga? (Kasalanan ko ba kung iniibig kita?) ('Di ko naman sinasadya ang mahalin kita) Nagtitiis at nangangamba sa t'wing kasama mo siya Hanggang kailan ko ba madadala ang pagdaramdam? Kasalanan ko ba kung iniibig kita? 'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita, oh Kasalanan ko ba kung ang nadarama ay pag-ibig na tapat? Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga? Umaasa pang magising akong kapiling ka At 'di na mawawalay pa Kasalanan ko ba kung iniibig kita? 'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita, whoa Kasalanan ko ba kung ang nadarama ay pag-ibig na tapat? (Pag-ibig na tapat) Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga? Whoa, oh-oh-ooh
Writer(s): Jimmy Antiporda Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out