album cover
ALMA
5
R&B/Soul
ALMA was released on June 2, 2023 by Viva Records as a part of the album ALMA - Single
album cover
Release DateJune 2, 2023
LabelViva Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM100

Credits

PERFORMING ARTISTS
krisostomo
krisostomo
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Crisner Mercado
Crisner Mercado
Songwriter

Lyrics

Nakahiga dinadaga
Dibdib kong punong-puno gustong kumawala
Walang iba itong gusto
Ikaw lang at ako
Nakahandang ika'y samahan
Kahit saan mo gusto
Tahimik man ako
Merong telepono
Naghihintay lang ako sagutin mo mga tawag ko
Umaga o gabi 'kaw iniisip katabi
'Di ako nagmamadali pabagalin pa natin sandali
'Di ko maintindihan
Parang pagsusulit na 'di ko masagutan
Ang akin lang naman ikaw ang nilalaman
Ng aking mga sinulat aking pinamagatan
Alam mo 'yan
Dami nang sabi-sabi sa tabi-tabi
'Di kaya na magalit kaya lagi na humihindi
Kaya naman halika na paligid ay tahimik na
Wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya
Tumitig ka sa 'king mata
Sabihin ang iyong nadarama
Halika na tumitig ka
Sabay natin na sabihin ang nadarama
Sa 'kin ay tumingin ka
Sa 'kin ay ngumiti
Hinding-hindi tatanggi
Kung sakaling tumabi ka
Sa 'kin ay tumingin ka
'Lika na't humimbing
Pumikit hanggang sa kung saan
Na makarating
Panibagong araw na naman
Pagpasok ko sa trabaho hay traffic na naman
Ayos lang naman nasanay na naman
At ang mahalaga 'kaw ang aking inaabangan
Sa bawat oras ay hindi makapapayag na maagaw
Mga pagkakataon nais sa inyo na dumalaw
Hiniling sa itaas mga bituin, buwan at araw
At ang tangi niyang sagot sa akin ay kumalma nga raw
O sige aking pakikinggan ang sasabihin
Kung manalo o matalo tanggapin ang sasapitin
Limitado ang galaw kay dali mo akong akitin
Kung hindi ang kasagutan 'di na natin pipilitin pa
Panhik-panaog alas tres a dose ng umaga
Napupuyat kakaisip dala-dala pa sa kama
Ang larawan sa 'king utak ikaw ang makakasama
At wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya
Tumitig ka sa 'king mata
Sabihin ang iyong nadarama
Halika na tumitig ka
Sabay natin na sabihin ang nadarama
Sa 'kin ay tumingin ka
Sa 'kin ay ngumiti
Hinding-hindi tatanggi
Kung sakaling tumabi ka
Sa 'kin ay tumingin ka
'Lika na't humimbing
Pumikit hanggang sa kung saan
Na makarating
Sa 'kin ay tumingin ka
Sa 'kin ay ngumiti
Hinding-hindi tatanggi
Kung sakaling tumabi ka
Sa 'kin ay tumingin ka
'Lika na't humimbing
Pumikit hanggang sa kung saan
Na makarating
Written by: Crisner Mercado
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...