Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Daryl Ong
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Daryl Ong
Songwriter
Lyrics
Sa unang pagkakataong nakita ka, 'di na nawala
Sa isip ko ang 'yong walang kasing tamis na mga ngiti
Ngiting ginigising ang natutulog na damdamin
Damdamin na naghihintay sa isang katulad mong
Dumating sa buhay ko na tila ba isang biro
Ngayo'y muling handang sumugal, itataya ang puso ko
Sabihin man nilang baliw ako, 'di pa rin magbabago
Sinasambit ng puso ko natatanging pangalan mo
At kahit na mukhang malabo pa, 'di mawawalan ng pag-asa
Alam kong balang-araw ay mapapansin mo rin
Ang hopeless romantic na tulad ko
Kahit alam kong iba ang tipo mo, umaasa pa rin ako
Sa araw na iyong makikita ang tunay na hangarin ko
Ibigay pagmamahal na tunay
Kay tagal ko nang hinihintay ang nararamdaman sa'yo
Sabihin man nilang baliw ako, 'di pa rin magbabago
Sinasamabit ng puso ko natatanging pangalan mo
At kahit na mukhang malabo pa, 'di mawawalan ng pag-asa
Alam kong balang-araw ay mapapansin mo rin
Ang hopeless romantic na tulad ko
Alam kong suntok sa buwan itong pinapangarap ko
Ngunit 'di susuko hanggang sa mapansin at marinig
Tanging ikaw ang pag-ibig
(Sabihin man nilang baliw ako, 'di pa rin magbabago)
(Sinasamabit ng puso ko) Natatanging pangalan mo
At kahit na mukhang malabo pa, 'di mawawalan ng pag-asa
Alam kong balang-araw ay mapapansin mo rin
Ang hopeless romantic na tulad ko
(Sabihin man nilang baliw ako, 'di pa rin magbabago)
Sinasamabit ng puso ko natatanging pangalan mo
(At kahit na mukhang) Malabo pa, 'di mawawalan ng pag-asa
Alam kong balang-araw ay mapapansin mo rin
Ang hopeless romantic na tulad ko
Mapapansin mo rin ako
Written by: Daryl Ong


