Lyrics

Ito na'ng gabing hinihintay Mga tagahanga ko'y nagdatingang lahat Nananabik 'kong marinig inyong palakpak Mayroong kaba sa 'king dibdib Pinapawisan pa ng tila malagkit Ito ang dinaranas ko sa t'wing palabas Magandang gabi sa inyong lahat, ako'y nagagalak At kayo'y nagsidalo sa gabi ng palabas ko Magandang gabi sa inyong lahat, ako'y nagagalak At tayo'y nagkaniig kahit konting sandali Sa harap ninyo ay walang lungkot Suliranin ko'y bigla ring nalilimot Ngiti ninyo'y mabisa ngang gamot Sa indak nitong musikang inaalay Nararamdaman ko pintig ng inyong buhay Bumibilis, nag-iibang kulay Magandang gabi sa inyong lahat, ako'y nagagalak At kayo'y nagsidalo sa gabi ng palabas ko Magandang gabi sa inyong lahat, ako'y nagagalak At tayo'y nagkaniig kahit konting sandali 'Pag nagdilim na ang ilaw Hinahanap pa rin kayo Kung 'di dahil sa inyong lahat Ako'y wala rito (ako'y wala rito) Ito nga ang gabing hinihintay Sana'y 'di magwakas sandaling nagniningning Alay sa lahat ng dumating Magandang gabi Maraming salamat sa inyong lahat Hanggang sa muling pagsasama
Writer(s): Cruz, Willy, Tomas, Tessie Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out