album cover
Payo
album cover
Payo was released on January 1, 1983 by Ivory Music & Video, Inc. as a part of the album Himig Ng Lahi
January 1, 1983
LabelIvory Music & Video, Inc.
BPM148
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Minsan ay nasabi ng aking lola
Ang buhay kung tingnan, mahiwaga
Pati na rin ang oras, 'di makuha
At ang umpisa ay tapos na
Lipad nang lipad ang ibong kay ganda
Bulaklak na makulay sa mata
Dinggin ang himig ng hanging malamyos
Tingnan ang lupang sagana sa ating pagod
Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, 'di maghihintay sa 'yo, hmm
Bigyan ng daan ang diwa ninuman
'Pagkat ito'y mula sa hinog na isipan
Sa kinang ng 'yong buhay sa lansangan
Sila ay kailangan ring pakinggan
Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, 'di maghihintay sa 'yo, hmm
Ipagdiwang ang buhay na daratal
Ito'y likha, isang kababalaghan
At ito'y 'di sa 'yo lamang
Ngunit, para sa tao na nasa kapaligiran
Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, 'di maghihintay sa 'yo
Saan ka lulugar, kasama ko?
Sabihin mo, oras ay tumatakbo
Umiikot ang mundo
Ang buhay, 'di maghihintay sa 'yo, hmm
Written by: Lolita Carbon, Nonoy Pillora Jr., Pendong Aban Jr., Saro Bañares Jr.
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...