Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Room for Cielo
Room for Cielo
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Daryl Cielo
Daryl Cielo
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Ivory Music & Video, Inc.
Ivory Music & Video, Inc.
Producer

Lyrics

Ilang araw na 'kong nalilito Wisyo ko'y nagkabuhol-buhol na sa kakaisip sa 'yo Tanda ko no'ng makita ka no'ng isang linggo, mundo ko'y nag-slow mo 'Di bale, bukas makalawa, mawawala rin 'to Oh, kapag nakikita ka'y lumalayo Puso ko'y 'di mapakali't biglang natutuliro Sa isang marikit na alaalang bumabalik At bakit 'di ko magawang limutin ka? Magmu-move on na lang ako bukas makalawa Ilang buwan na rin no'ng huling nagkasama Pero matanaw ka lang, sa tiyan ko, may kumukurot na Ide-delete na ba 'yung number mo na ilang taon ko nang kabisa? Kaya lang, baka sakaling bukas makalawa ay mapatawag ka Sa bawat hinaing nitong damdamin, ako'y bumabalik Sa ating nakaraan na tila panaginip na 'di na yata ako makakawala 'Wag naman sana Oh, kapag nakikita ka'y lumalayo Puso ko'y 'di mapakali't biglang natutuliro Sa isang marikit na alaalang bumabalik Kung bakit 'di ko magawang limutin ka Magmu-move on na lang ako bukas makalawa, ah Bukas makalawa, ikaw naman ang maghahabol sa 'kin Bukas makalawa, ako naman ang mang-aagaw-pansin Ang lahat ng 'to ay sa bato itataga, ang kaso lang, baka Ang bukas makalawa, abutin pa ng ilang dekada 'Wag naman sana Sa isang marikit na alaalang bumabalik Kung bakit 'di ko magawang limutin ka 'Di na puwedeng ganito, kailangan ko na maka-move on na Promise, bukas makalawa, mayro'n na 'kong iba Pero kapag nakikita siya'y lumalayo (bukas makalawa) Pero kapag nakikita siya'y lumalayo (mayro'n na 'kong iba) Pero kapag nakikita siya'y lumalayo Pero kapag nakikita siya'y lumalayo Pero kapag nakikita siya'y lumalayo Pero kapag nakikita siya'y lumalayo
Writer(s): Jan Daryl Cielo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out