album cover
OEM
1
Hip-Hop
OEM was released on November 24, 2023 by Universal Records as a part of the album OEM - Single
album cover
Release DateNovember 24, 2023
LabelUniversal Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM75

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Raymart "Ramdiss" Profugo
Raymart "Ramdiss" Profugo
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Raymart "Ramdiss" Profugo
Raymart "Ramdiss" Profugo
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Russel Tequia (Good son)
Russel Tequia (Good son)
Producer
Gab pascual (Shaquiro)
Gab pascual (Shaquiro)
Producer

Lyrics

bakit ganun kapag alanganin ang lagay mo walang gustong tumaya
pero pag ang pagkaing nakahain sa lamesa mamahalin halos hata ay gustong makinguya
bakit ganun!!
Yang mga lobong nakatago sa balat ng mga tupa
anyong tao sa harap mo para tiwala makuha
kaso amoy na agad ng ilong ko pag balatuba
alam ko pag balahura basa ko na yan
                          
sa pintig ng mga pulso'y kapa ko na
kung sino ang mga dapat kong dikitan
at layuan ng milaya milyat ilang dipa
kilala ko na lahat sila magpalit man ng maskara
mga mata ko man ay isara
kusang madarama mo lamang talga ang pananamantala
wag ka padadala
kase marami ang pangiti ngiti
sa harapan mo kaso kabaliktaran minimithi
imbis na abutan ka ng panyo kapag humihikbi
matibay na lubid ang inalok sayo tara bigte
Attttt
Sa oras na mabulilyaso ay asahan mong
magpapalit ng kulay ang hunyango
magaling lang kapagka bebenipisyo
pero talo nakatago sa oras ng sakripisyo
kitang kita ko lahat ang mga pakay at motibo
ang tingin ko ay kayang tumagos hanggang sa budhi
mong P$#@Ng iN* kA
bakit ganun kapag alanganin ang lagay mo walang gustong tumaya
pero pag ang pagkaing nakahain sa lamesa mamahalin
halos hata ay gustong makinguya
Nakatago ang sungay
(mga pakitang tao kapag merong kailangan sa iyo)
Lumalabas ang mga tunay
(na kulay pag alam na wala na silang mapapala
nako mga mapagbalat kayo)
Danas ko lahat noong minsang tumunog ang pangalan ko
lahad ang lahat ng mga palad para masayaran ng
katas sa taas mula sa bunga ng pinaghirapan ko
lahat sila nakinabang don kaso biglang nagsilikas nung
ang liwanag di na sa akin naka tuon
bakit ganun ha? dama mong iba ang trato sayo
pag wala kang malagay sa plato tablado pag blanko
ang laman ng banko pero pag nakita ka na tumatabo
lahat ay gustong makisalok sabihan nalang nila ko na madamot
dina makakaisa yang mga lapok saken
                  
kapal naman ng muka nyo makisalo pagkatapos nyong hilingin na matalo sana kaso
pinagpala pako lalo na manalo ngayong sa mga kamay ko bumagsak ang bolamano antimano wala kayong makukuha na balato
ka hit pa na katiting konti man yan o kapiraso wala kang karapatang makihingit makatikim sa tagumpay na tirabaho ko
 
kaya mag ingat sa pinipiling kaakibat
dalawang mata mo ay idilat
dahil dalwang muka dapat masipat
hindi lahat ng nakikipag apir at
nakakatapikang palad kabalikat
yung iba inaantay kang tumupit mamulikat
para mas madali kang mahila at makuha
lahat ng sayo hanggang sa masaid
bakit ganun kapag alanganin ang lagay mo walang gustong tumaya
 pero pag ang pagkaing nakahain sa lamesa mamahalin halos hata ay gustong makinguya
nakatago ang sungay
(mga pakitang tao kapag merong kailangan sa iyo)
lumalabas ang mga tunay
(na kulay pag alam na wala na silang mapapala
nako mga mapagbalat kayo )
 
Tutulungan ka nilang waldasin at ubusin lahat ng hawak hawak mo
pero mag isang paghahanapin
pag ang lahat ng wyan ay wala na sayo
   
tumingin at magkusa ka na magduda
sa mga santo santito na santino ang itusra
mong nakakasalamuha wag kang magpapaduga
dahil talo ka palagi kapag awa ang nauna
at tiwala moy makuha
iwas sa mandurugas
kahit ang elohim ay naging kaibigan si hudas
ingat sa mandurugas kahit ang elohim ay di nakaligtas kay hudas
ikaw pa kaya.
Written by: Raymart "Ramdiss" Profugo
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...