album cover
Papa
Indie Pop
Papa was released on October 27, 2023 by Stages Sessions as a part of the album WLNGPLNB
album cover
Release DateOctober 27, 2023
LabelStages Sessions
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM82

Credits

PERFORMING ARTISTS
Davey Langit
Davey Langit
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Davey Langit
Davey Langit
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Davey Langit
Davey Langit
Producer

Lyrics

Hindi mo kayang lumipad
Walang hindi pangkaraniwang abilidad
Walang pula na kapa, o panangga’t espada
Ngunit bayani kita
Nais ko sana ang maging katulad mo
Kahit kalahati lamang ang makuha ko
Sa’yong kabutihan at paninindigan
Oo, bayani kita
Ngunit alam kong
Hindi ka pang-habang buhay na nandito sa aking tabi
Kaya hayaan mo sanang sabihin ko
Habang naririnig mo pa, ay aawitan kita
Habang naririnig mo pa, ay lagi kong sasabihin na
Mahal kita, habang naririnig mo pa
Batid ko na ang bukas ay hindi tiyak
Ayokong sa huli magsisi
At umiyak na lamang dahil di ko nagawang ipadama
Gaano ka kahalaga sa’kin
Ngunit alam kong
Hindi ka pang-habang buhay na nandito sa aking tabi
Kaya hayaan mo sanang sabihin ko
Habang naririnig mo pa, ay aawitan kita
Habang naririnig mo pa, ay lagi kong sasabihin na
Mahal kita, habang naririnig mo pa
Oh, lagi kong sasabihin na
Mahal kita, habang naririnig mo pa
Written by: Davey Langit
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...