Credits
COMPOSITION & LYRICS
Jadelyn Bautista
Composer
Lyrics
Ilang araw nang lumipas
Nang muling nagtagpo ang ating mga mata
Ligaya lang ang nadarama ko
Ngunit ngayo'y wala ka rito
Oh kahit na magkalayo
Ikaw pa rin (Ikaw parin)
Oh kahit na magkalayo
Ikaw pa rin ang tahanan ko
Mga karagatan man ay lalakbayin
Kilometro man ang layo para sayo
Lahat gagawin makita lang ang 'yong matang nagniningning
Ilang buwan na ang lumipas
Nung huling yakap mo sakin noong taglamig
Ang boses mo sa telepono
Ako man ay kuntento ngunit nais ko'y sa tabi mo
Oh magkabila man ang mundo
Ang puso ko'y palaging malapit sa puso mo
Oh kahit na magkalayo
Ikaw pa rin ang tahanan ko
Mga karagatan man ay lalakbayin
Kilometro man ang layo para sayo
Lahat gagawin makita lang ang 'yong matang nagniningning
Segu-segundo ang pag-ikot ng mundo
Minu-minutong naghihintay lang sayo
Ilan pang mga oras, buwa't mga taon
Na malulumbay ang pusong ito?
Mga karagatan man ay lalakbayin
Kilometro man ang layo para sayo
Lahat gagawin makita lang ang 'yong matang nagniningning
Ikaw pa rin ang tahanan ko
Uuwi, uuwi sa'yo
Ikaw pa rin ang tahanan ko
Hintayin mo lang ako
Written by: Jadelyn Bautista