album cover
Bugtong-Bugtong
163
Pop
Bugtong-Bugtong was released on January 1, 1980 by Universal Records as a part of the album ABAKADA
album cover
AlbumABAKADA
Release DateJanuary 1, 1980
LabelUniversal Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM94

Credits

PERFORMING ARTISTS
Florante De Leon
Florante De Leon
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Florante
Florante
Songwriter

Lyrics

May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip'
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Hindi hayop, hindi tao ngunit mayrong ulo
Kadalasang kasama ay mga karpintero
At kung ito'y ililibing sa kahoy o bato
Kailangang pukpukin martilyo
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Hindi hayop, hindi tao mayrong buto't balat
Mahaba ang bituka at ito'y lumilipad
Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad
Asahan mong ito ay sasadsad
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
May dila nga ngunit ayaw namang magsalita
Kambal sila't laging kasama ang isa't isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa iyo ay sasama
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Mayrong araw, mayrong buwan hindi naman langit
Mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi
Wakas niya ay ipinagbubunyi
May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip'
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon
Written by: Florante
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...