Credits
PERFORMING ARTISTS
PAPURI!
Performer
Reuben Laurente
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ricky Sanchez
Songwriter
Lyrics
Hindi matutumba, hindi matitinag
Ang batong buhay, S\'ya ay si Jesus
Sa dulo ng lahat, S\'ya ang magwawagi
Panginoon at Hari, S\'ya ay si Jesus
Nabuhay S\'ya sa mundo
Para sa akin at sa \'yo
Kahit inalipusta
Nagpatawad S\'ya
Ang bulag ay nakakita
Ang patay ay binuhay N\'ya
At sa krus ng pagdurusa
Pinatunayan N\'ya
Nabuhay S\'yang muli
S\'ya ang Diyos at Hari
Ang batong buhay
S\'ya ay si Jesus
Hindi matutumba, hindi matitinag
Ang batong buhay, S\'ya ay si Jesus
Sa dulo ng lahat, S\'ya ang magwawagi
Panginoon at Hari, S\'ya ay si Jesus
Ngayon, itong mundo sa sala\'y kay gulo
Marami ang galit at nagtatalo
Baluktot at mali, ginagawang tama
Nanlalamang sa kap\'wa, pag-ibig ay wala
Ngunit di magtatagal
Si Jesus ay magbabalik
At Kanyang huhusgahan
Ang sandaigdig
Sa tapat na mananalig
May pangakong nakalaan
Sa langit na may buhay
Na walang hanggan
S\'ya\'y babalik muli
S\'ya ang Diyos at Hari
Ang batong buhay
S\'ya ay si Jesus
Sya\'ng simula\'t wakas,
Matibay at tapat
Ang batong buhay
S\'ya ay si Jesus
Written by: Ricky Sanchez

