Credits
PERFORMING ARTISTS
Noel Cabangon
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Danilo Isidro SJ
Lyrics
Fruto Ll Ramirez SJ
Composer
Lyrics
Ang panginoon
Ang aking pastol
Pinagiginhawa akong
Lubos
Handog niyang himlaya'y
Sariwang pastulan
Ang pahingahan ko'y
Payapang batisan
Hatid sa kaluluwa
Ay kaginhawaan
Sa tumpak na landas
Siya ang patnubay
Ang panginoon
Ang aking pastol
Pinagiginhawa akong
Lubos
Madilim na lambak man
Ang tatahakin ko
Wala akong sindak
Siya'y kasama ko
Ang hawak niyang tungkod
Ang siyang gabay ko
Tangan niyang pamalo
Sigla't tanggulan ko
Ang panginoon
Ang aking pastol
Pinagiginhawa akong
Lubos
Inihahanda niya
Sa akin 'sang dulang
Maging sa harap man
Ng aking kaaway
Kasiyahan niyang
Ulo ko'y langisan
Saro ko'y punuin
Hanggan sa umapaw
Ang panginoon
(Panginoon ko)
Ang aking pastol
(Ang aking pastol)
Pinagiginhawa akong
(Ang ginhawa kong)
Lubos
Kagandahan loob
Pawang kabutihan
Ang tanging kasunod
Ng buhay kong taglay
Doon sa tahanan
Ng poong maykapal
Nais kong manahan
Magpakailanman
Ang panginoon
Ang aking pastol
Pinagiginhawa akong
Lubos
Written by: Danilo Isidro SJ, Fruto Ll Ramirez SJ

