album cover
Hinto
Hip-Hop/Rap
Hinto was released on June 2, 2024 by Loco Space Records as a part of the album Hinto - Single
album cover
Release DateJune 2, 2024
LabelLoco Space Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM89

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Siege
Siege
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Chris Jay Huelar Taub
Chris Jay Huelar Taub
Songwriter
Wendel "Decode" Masambay
Wendel "Decode" Masambay
Arranger

Lyrics

Halika dito makinig kung nais mo talagang malaman,
Iilang mga naiilang na kabataan,
Desisyong minsan nakakubli ay mga agam-agam,
Mensahe para sa kanilang mga napag iwanan,
Silang sinakripisyo ang mga munting pangarap,
Silang imbis skwela ay sa kalye na tumapak,
At sa mura nilang edad ay hanapbuhay na ang hanap,
Silang imbis diploma ay barya barya ang hawak,
Sa hirap nga ng buhay kolehiyo ay di na inabut,
Bagama't di sakto ang edad kailangan na kumayod,
Sa mundo na kung walang datong dika pasok sa bakod,
Respetong nakadepende sa laki ng iyong sahod,
Pakikitungoy mapait sa'n ka man dalhin,
Laging kalakip ang mapanginsulto na tingin,
Kahit masakit dina para damahin,
Anong magagawa mo kung sadyang mababa pagtingin,
Sa haba ng iyong byahe minsan mabibigo,
Di man tapos sa klase, sana wag kang malito,
Plantsado man ang plano biglang lumiliko,
Minsan para umabante kailangan huminto,
Sa haba ng iyong byahe minsan mabibigo,
Di man tapos sa klase, sana wag kang malito,
Plantsado man ang plano biglang lumiliko,
Minsan para umabante kailangan huminto,
Iba't ibang rason pero sabay sabay namulat,
May tumigil dahil di na kaya pa ng utak,
Yung iba sa pinansiyal walang magulang bumubuhat,
May iilang sa masamang gawi narin tumulak,
Pangarap mataas sitwasyun ang syang pumigil,
Pakikipaglaro sa dagok ay minsang nawili,
Kaya't Ano't ano man dimo dapat na masisi,
Desisyong hindi sila kundi tadhana ang pumili,
At kung isa ka sa kanila nawa'y iyong makuha,
Meron pa talagang pag asa wag ka lamang pong magduda,
Tanungin iyong sarili di palaging bilog ang bola,
Nahuhuli ka nga ba o baka hindi yan iyong rota,
Imbis diploma sa diskarte ka na lang maglalagi,
Hamon yan ng buhay wag ka lamang tutupi,
Wag ka lang sumuko wag ka munang umuwi,
Di man nakatapos pwede kang magsimula muli,
Sa haba ng iyong byahe minsan mabibigo,
Di man tapos sa klase, sana wag kang malito,
Plantsado man ang plano biglang lumiliko,
Minsan para umabante kailangan huminto,
Sa haba ng iyong byahe minsan mabibigo,
Di man tapos sa klase, sana wag kang malito,
Plantsado man ang plano biglang lumiliko,
Minsan para umabante kailangan huminto,
Kailangang huminto!
Kailangang huminto
Written by: Chris Jay Huelar Taub
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...