Credits

PERFORMING ARTISTS
Yayoi
Yayoi
Performer
Yayoi Corpuz
Yayoi Corpuz
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Yayoi Corpuz
Yayoi Corpuz
Songwriter
Ace Regasa
Ace Regasa
Songwriter

Lyrics

Nangingilid na mga luha, kamay na bumitaw nang kusa
Eto na rin siguro ang huling pagkakataon na kasama kita
Kung balang-araw ay makakahanap ka ng iba
'Di ko na pipilitin na bawiin ka pa
Papalayain ang damdamin natin na pagod na
Alam ko, masakit lamang 'to sa umpisa
Balewala pala lahat ng taon na binilang nating dalawa (oh)
Sa huling sandali, gusto ko na lang na yakapin ka
Bago man lang lumayo nang tuluyan
Sana naman ay walang pagsisihan
Dito na lang, mayro'n palang hangganan
Kung 'di ka na hinabol at pinili na lang na hayaan
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga alaala
Minahal mo ako, minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit
Bago tuluyang lumayo sa 'yo at palayain na
Bago matapos ang natitirang sandali
Ako ay hihiling na sana'y pagbigyan mong muli
Na mayakap ka
Dahil alam kong ito'y 'di na mauulit pa
Babaunin alaala nating dalawa
Walang sama ng loob na bibitawan ka
Mahirap ma'y wala na tayong magagawa
Salamat sa pagmamahal na 'yong pinadama
Patawad kung hanggang dito na lang (hanggang dito na lang)
"'Di na kita mahal," kung 'yan ang gusto mong marinig ay sasabihin na lang
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga alaala
Minahal mo ako, minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit
Bago tuluyang lumayo sa 'yo at palayain na
Gano'n nga talaga 'pag nagmahal ka
Hindi mo matitiyak kung tatagal ba
Sa labis na pag-iiyak, nangangatal na
Kasi alam kong hindi ko na ma'sasalba
Habulin man kita, para saan pa?
Eh, ang puso ko, puno na ng pangamba
Mga nangyari ay 'di na maganda
Dahil napapamahal ka na sa kaniya
Bago man lang tayo mag-iba ng landas
At sa mga limitasyon ay makalampas
Puwede bang payakap muna nang mahigpit?
Bago ang mga pakpak mo ay tuluyang ialpas
Pinapangako na 'di na kita guguluhin
Kahit nami-miss kita, 'di na kita kukulitin
Kahit na masakit, kailangan ko na 'tong gawin
Kung ano man ang mayro'n tayo, pinuputol ko na rin (pinuputol ko na rin)
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga alaala
Minahal mo ako, minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit
Bago tuluyang lumayo sa 'yo at palayain na
Hanggang dito na lang at paalam na lang
Sa ipon nating mga alaala
Minahal mo ako, minahal din kita
Pilitin man natin ay baka 'di talaga
Eto na ang huling makakapiling kita
Ang huling sandaling magiging akin ka
Yakapin kang mahigpit
Bago tuluyang lumayo sa 'yo at palayain na
Written by: Ace Regasa, Yayoi Corpuz
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...