album cover
Halik
Hip-Hop/Rap
Halik was released on July 14, 2024 by Hiwaga as a part of the album Biyahe
album cover
AlbumBiyahe
Release DateJuly 14, 2024
LabelHiwaga
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM91

Music Video

Music Video

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Antonio Jr Escobar Fonbuena
Antonio Jr Escobar Fonbuena
Songwriter

Lyrics

Pwede ba na manatili ka
Palipasin muna natin ang gabi pagkat
Sa pagsikat ng haring araw mawawala
Mga tamis ng mga yakap na parang bilang lang
Sa daliri kung kelan ka ba muling mahahagkan
Sabik na 'kong mahalikan
Ang nag-iinit mong labi pati na katawan
Handa na 'kong gawin lahat para sa'yo lamang
Hindi ko maiwasang laging matakam
Kapag alam ko na lagi ka nang nakaabang
Kahit sabihin man nilang mali ang paraan
'Di pa rin titigil palagi kitang pupuntahan
Kapag hindi mo makuha ika'y palaging handa nang makipaglaro
Mainit ang apoy pero handang mapaso para sa iyo
Madami mang iba ay 'di pagpapalit ang nakamit kong pag-ibig kahit bawal na at mali
Dahil hindi ko malimutan ang tamis ng iyong halik maging ang bawat pagdampi ng iyong balat sa'king dibdib sa tuwing
Magkayap sa ilalim ng kumot at mga unan na kita kung paano ka yumapos hanggang sa boses mo rin ang sumuko at mamaos sinasagad palagi hanggang sa ikaw ay matapos
Ikaw yung hiniling at ikaw rin dumating kahit na sa paningin pa ng iba'y naiiling
Hindi ko na mapigilan na ikaw ay angkinin
Pero hindi ko rin naman pupwede na pilitin na gawin
Mga halikan nating palihim
Mga tinginan natin na bitin
Mga gabing ikaw ang katabi
Pero wala na sa'king paggising
Hanggang kailan ko ba titiisin
Na makulong ako at maaning
Kung nasanay na ako sa'yo mahirap nang mabago ang isip at ang puso na maibaling pa
Madami mang iba ay 'di pagpapalit ang nakamit kong pag-ibig kahit bawal na at mali
Dahil hindi ko malimutan ang tamis ng iyong halik maging ang bawat pagdampi ng iyong balat sa'king dibdib sa tuwing
Written by: Antonio Jr Escobar Fonbuena
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...