album cover
Torpe
20
Singer/Songwriter
Torpe was released on August 25, 2024 by Patch Quiwa as a part of the album Torpe - Single
album cover
Release DateAugust 25, 2024
LabelPatch Quiwa
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM108

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Patricia Quiwa
Patricia Quiwa
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Patricia Quiwa
Patricia Quiwa
Songwriter

Lyrics

[Verse 1]
Halata namang
Masaya ka sa kaniya
Pero ang tanong ay
Gusto ka nga ba niya talaga?
[Verse 2]
Umamin na ba?
Sinabi niya bang mahal ka niya?
Baka takot 'yung tao, nahihiya siguro
Pero minsan lang, nakakalito
[Chorus]
Ikaw pa bang lalapit?
Ikaw pa bang magsasabi?
Ng 'di niya kayang ipagtapat o
Pakiramdaman na lang lahat
Kailangan mo 'yung may lakas ng loob
Hindi mo kailangan ng torpe
[Verse 3]
Hindi ko nga maintindihan ang gusto niya
Nagseselos siya, nagtatampo pa
Para bang kami na, may pag-asa ba?
Hintayan na lang ba talaga?
[Verse 4]
Ayos lang ba sa'yong
Hindi ka man sigurado kung
Ano ba talaga kayo?
[Chorus]
Ikaw pa bang lalapit?
'Di dapat ikaw
Ikaw pa bang magsasabi?
Kailangan niyang sabihin
Ng 'di niya kayang ipagtapat o
Pakiramdaman na lang lahat
Kailangan mo 'yung may lakas ng loob
[Bridge]
Hindi mo dapat nararamdamang hindi ka mahalaga
Kung 'di niya kayang umamin
Aba'y kawawa naman siya, 'di ba?
Hindi niya mararamdaman ang 'yong pagmamahal
Hindi mararanasan ang 'yong yakap
At tamis ng 'yong halik
Kung 'di niya kayang maglakas loob para sa'yo
[Chorus]
Ako pa bang lalapit?
Ako pa ba?
Ako pa bang magsasabi?
Kailangan mo nang sabihin
Ng 'di niya kayang ipagtapat o
Bibitawan na lang lahat
Kailangan ko 'yung matapang, may paninindigan
Kailangan ko 'yung may lakas loob
Hindi ko kailangan ng torpe
Hindi ko kailangan, hindi ko kailangan
Hindi ko kailangan ng torpe
[Outro]
Hindi ko kailangan ng torpe
Written by: Patricia Quiwa
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...