album cover
Phantom Troupe
12
Hip-Hop/Rap
Phantom Troupe was released on September 26, 2024 by Sony Music Entertainment as a part of the album Kuwento
album cover
AlbumKuwento
Release DateSeptember 26, 2024
LabelSony Music Entertainment
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM59

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Flict G
Flict G
Performer
Shockra
Shockra
Performer
Sparo
Sparo
Performer
Blingzy One
Blingzy One
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Flict G
Flict G
Composer
Shockra
Shockra
Composer
Sparo
Sparo
Composer
Blingzy One
Blingzy One
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Flict G
Flict G
Producer
Cursebox
Cursebox
Producer

Lyrics

Madami nang mababangis pero limitado at hindi lahat ay may ibubuga
kahit pakitaan mo kami ng mga pangil mo at ikagat mo man yan ‘di uubra
‘di lahat ng nakikita ng mga mata mo'y tunay ‘wag ka palilinlang
lagi mong tatandaan ang mga tunay na may tira palaging nakatahimik lang
Sa gitna ng kagubatan ng mga itim na nilalang ako’y pumaroon
‘di ko mailapat ang aking tiwala dahil lahat sila animo ay parang mga ulupong
nilabas ko ang aking tabak isa-isa kong pinag-tataga ang mga animal na
kung makatinginay parang ngayon lang nakakita ng nilalang na masmabangis pa sa kanila
pinagmasdan ko ang aking kinatatayuan agad-agad ko nalang natanto
na ‘di lang pala ako ang nag-iisang nilalang na napili ditong mangaso
napakadami nila yung iba ay nasibasib na ng mga hayop na masmalakas ang awra
yung iba naman ay bibilugin ka pero ‘di ako nagpatinag sa kanilang mga boka
sandata sa harap pero mata sa likod dahil kung hindi saksak ka na ng patalikod
kailangan talagang lakasan mo ang loob dahil bawat oras ay tama ang iyong kutob
kung tatahakin mo ang lugar na tinahak ko dapat handa mong isugal ang iyong buhay
papasok palang doon sa itim na kontinente baka dumeretso ka na din sa hukay
maraming mundo ‘di lang ikaw ang nagtataglay ng kalakasan
may unibersong mas-malawak pa sa lahat ng nakita ng iyong kamalayan
mga pili lang ang pinapayagang pumunta at tumapak doon sa dako pa roon
may mga sikretong pabalik-balik na nilalang kung tatanungin mo kung sino isa na ko don
Kaya 'wag kang magkakamaling paligaw sasariling paningin
at ikulong ang diwa pagkatapos na indahin itong pagkadakila naming laging sa gawa pinararating
palaguin sa isip hanggang magdapit-hapon pagsapit ng gabi paghain matagal na ring sabik
hindi lang basta patikim lamon yan sa halimaw saloob nitong aking pagkamahinahon
sa silid nakahiwalay piniling maiba sa paligid na nakatitig
pinipilit na masilip ba't imbis na si Eve ang inibig ay si Lilith
alam ko naman na kainamang dumaan sa ibabaw madaling makabalik
mas-nakita ko lang ang lagusan sa ilalim kalauna'y may diyamante na 'ko pagpanhik
handa hingang malalim martsa kanan kaliwa bago mag ika-anim
da-damahin mo muna 'tong sumpa ng ika-lima
ewan ko na lang kung papalarin sakin ang kaluluwa makatawid man ay wala ka pa ring kawala
ang katuparang masawi't Ika'y mai-lalang muli paulit-ulit ang daing hanggat hindi ka pa dala yan ang karma
Ah yeah
Ginagawa ko ‘to ‘di para sa salapi
aha
o kahit anong karangalang makakamit
Ah yeah
walang presyong katumbas ang ligayang hatid
Aha
‘pag nadakma animal hambalos sa sahig
HMRRRMMM
‘di ‘to kagubatan para sakin ‘to ay teatro
kung san matutunghayan magtanghal panganim na dyablo
habang sinu-subasta ko saking mga parokyano
labas dilang mga labi mga nahuli kong aso
selebrasyonto't piging ng mga mangangaso ( Shockra )
itaas mga tabak alay sa sumpang ika-walo ( Inozent One )
wala ng kawala kapag nahawakan
sa leeg hihiwalay
katawan at mga balikat palapa
sa imbitado
Balewala ang tulin kung ang ‘yong
ginagalawan ay siyang aking mismong
kalupaan kaya kahit anong pagkaripas
ako ang destinasyon pagpapatiwakal
lamang ang paraan sa ika-anim makaiwas
aking paghalakhak na mayro’ng palakpak ang siyang
huling imahe na makikita
dito sa’king teritoryong ginagawa lang hapunan mga dayo
walang bilang mahihina
Madami nang mababangis pero limitado at hindi lahat ay may ibubuga
kahit pakitaan mo kami ng mga pangil mo at ikagat mo man yan ‘di uubra
‘di lahat ng nakikita ng mga mata mo'y tunay ‘wag ka palilinlang
lagi mongtatandaan ang mga tunay na may tira palaging nakatahimik lang
Tahimik lang sa gilid nakatitig ng pasimple sa mga lintik
na ‘kala mo matindi o baka mahimbing na nananaginip pa
sige na alis dali ka kung ayaw mong mahain sa aming pista hoy
bago mo bulabugin mabuting siguraduhin na nagawa mo na ang ‘yong huling habilin ha
kapag nakasalubong mo sa mundong madilim
ang leon na nagpapalit anyong tupang itim
alam mo na dapat ang iyong unang gawin
isang mali mo lang katapat mo ay asin
‘pag mali ka ng pinasukan mababang hatol mo sakin sinampalukan
mula kay ika-lawa hanggang kay ika-anim kulang nalang kanin ating pagsaluhan
itong tatanga-tanga bobobobobong kaawa-awa na parasitiko
animal hindi na panaginip ‘to buto-buto kang aabutan ni ikapito
sa isip niyo itatak kapag kami kaharap ay lumuhod dumapa ka
sumaludo’t yumakap kahit pa nalagasan ang walong alamat
kapag kami’y kumagat paniguradong warat ugh
malagim mong kapalaran nakasulat sa tipan
na ika'y deretso sa libingan dito'y walang piitan
‘di maka alulong kahit piliting sapilitan
‘pag nabanas lang sa isa buong lahi gigilitan
ako’y tahimik lang habang ginagawa ang kaganapan
lugar na pinang-yarihan inosenteng lalakaran
tatawanan habang ako nakatitig sa kalawakan
katawan mo tinutukoy ‘pag sinabing kababaan
ika'y pagkain lamang na inalay sa anito
lulutuin tutupukin sa apoy ng antikristo
ang buto ngunguyain tila bali-baling palito
‘lika dito paparanas ko sayo kanibalismo
‘di mo nanaisin sa harap ko'y ilapag
sa pagkat sisibasibin ko ang nasa hapag
pumalag ka man aabutin mo ay lagabag
sa lapag magmula sa ika-walong palapag
'di lang dibdib mo lalagabog sa kaba
kukulangin pa lahat ng dala mong pandama
habang pinapatay kita titigan mo ko sa mata
nang malaman mo ako ang sumpang ikalawa
lalamunin ko lahat mula paa hanggang muka mo
masmasarap kainin lalo pag nagsusumamo
katawan mo't buong pagkatao sakin ay burado
ang tanging saksi'y kaluluwa ng mga yumao
pwe!
Totoo yung mga alamat at kuwento
na ‘pag hinawakan na ni Tuglaks angmikropono para kang na-engkanto
mga flow na eksakto tila impakto ang impact sa utak mo
liriko naka-sentro perpekto ang lagapak dinisenyo
na tumatatak dahil MOB ‘to ano mang ibagsak ni Tuglaks eepekto
lalo na sa mga flip na klepto ng aking mga pitikinuumit niyo
pero ‘di parin ma-get punit papel mo kaya wag kang mag-pilit
na ika’y kasing lupit ko dahil
ganto na ko kabangis kahit mula bata ka pa ngayong mamá ka na
binabata pa din kita kahit na bumatak ka pa no match tatawanan kita
kasi naman napakadaming mga over rated na hindi naman talented talaga
‘pag ang ka-collabo kami na lalabas na ang mga kahinaan ng mga gago
 ‘di yan bago ‘di niyo na matago mapupuna na nila
bistado na hindi plakado ‘di kita katulad ‘pag dumura
Madami nang mababangis pero limitado at hindi lahat ay may ibubuga
kahit pakitaan mo kami ng mga pangil mo at ikagat mo man yan ‘di uubra
‘di lahat ng nakikita ng mga mata mo'y tunay ‘wag ka palilinlang
lagi mong tatandaan ang mga tunay na may tira palaging nakatahimiklang
Ako’y parang salarin lamang sa krimen malinis ebidensiya matik na walang testigo
pagka-sureball palit damit balik pinangyarihan na parang walang nangyaring mabibisto
monghe sa ehipto harmonya sa silindro tahimik na parang walang badyang peligro
pero ‘pag kinalabit parang gatilyo sa sintido o bariles ng bakal na nakasubo sa bibig mo bang!
bago magpaka-rap God ay naging disciple nagbasa bago sumulat ng sariling bible
dapat alam mo ano magiging hatol ‘pag nakinig o sumamba sa mga pekeng idol
subukan mo kung merong arit malalaman may bilang ba itong walo kahit na nabawasan
mula una at pang-anim kay ika-pito palang ay tagilid agad para bang karet ni kamatayan
‘la na daw bisa ang mga sumpa ‘kakapal ng mukha na binuntal
pa’no maluluma eh marami sa malulupit na bago ang hulmado samin na ‘di bulgar
alalala ng ika-walo na binungkal kasabay ng legasiya na pinundar
Shockra Smugglaz 187 Mobstaz bumangon galing sa libingan ng mga imortal
Angking galing itinanim sa puso at dugo dumaloy na parang itim na nen (yahh)
payaso na kahit patingkarin ang pinta sa mukha alam mo na king pa rin (Yahh)
‘di na kailangan dumaan sa exam alam yan ng retsam
kahit basic lang lahat ng malapatan ko na beat ay sigurado na redrum, redrum
malabo na magawa mo na basahin ang galaw ko
kahit na malayo kayo ay mga tanaw ko
sinong malapitan siguradong papanaw ‘to
akoy halimaw tama ka hindi na tao ‘to
kinabisado ko baraha sa sugal mo
saka mo na lamang ibalik sakin ang numero
‘pag kaya mo na ang tumbasan ang kamao ko ha
‘wag mong iisiping nabawasan ng 1 yung 8 kaya naging 7
‘di mo na pwedeng matakpan ang legasiya ‘wag kang malito yung ika-siyam narito
dulot ng ilang taong pag-eensayo ko kaya nagka-ganito wala ng biro
‘pag sinabi kong hindi mo kaya ‘di mo kaya makinig ka sa guro dahil akin na ‘to
Tahimik lang na nakaabang at hindi nagpapabaya
Ang aking pinagmulang lahi sa lahat ng istilo ay bihasa
Mahiwaga na salita maiintindihan mo ngayon
Kung pano ko dahan-dahang pakawalan ang aking lakas tuwing may pagkakataon
Katakot-takot na bangungot na madarama
Kung sino man ang mga balakid saking palagid
Liliyab gamit ang makapangyarihan na himig
Sumigaw ka man sa kadiliman
Walang ano mang kadena sakin ay makakapigil bumitaw
Tunog at melodiyang may kakaibang galaw
Ibubuhos ang galing sa ano mang uri ng laban
Makinang na dyamante ngayo’y lilitaw
Isang banta mula sa republika ng harmonika
Musika muling magpapatuloy sa aming istorya
Isang orasyon na alay sa ika-walo
Propesiya mararamdaman mo
Na kahit na sino mang sumunod sa iniwan na bakas
Wala ng makakatakas mabubura kayo sa aming mundo
Written by: Blingzy One, Flict G, Shockra, Sparo
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...