Credits
PERFORMING ARTISTS
Pinkmen
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Mark Armas
Composer
Paolo Santos
Composer
Matthew Medrano
Composer
Jed Zulaybar
Composer
Giro Alvarado
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Pinkmen
Producer
Ely Buendia
Producer
Audry Dionisio
Producer
Lyrics
Kamusta ka na kaya?
Ikaw ay napadaan
Sa sulok ng aking isipan
Ayos naman ako
Sakaling ika'y nagtatanong
Napakabilis ng panahon
Tagal na pala
(Tayo'y) nagkasagutan
Di ko naman kasalanan
Ano, ano ang sasabihin ko
Kapag, kapag nakita kita muli?
Para ba tayong nabitin?
Nakabaon na sa buhangin
At kung ngayon pa lang nagising
Bakit di kayang sabihin?
Ramdam mo pa ba kaibigan
Mga binato nating salita?
Isang saglit pula lang nakita
Pwede na bang bitawan?
O di na ba malalampasan?
Ano ba ang kailangang patunayan?
Tagal na pala
(Ating) pinagsamahan
Kanino nga ba ang kasalanan?
Ano, ano ang sasabihin ko
Kapag, kapag nakita kita muli?
Para ba tayong nabitin?
Nakabaon na sa buhangin
At kung ngayon pa lang nagising
Bakit di kayang sabihin?
Mga, mga alaala
Noong tayo'y sa tambayan
Ako'y napuno ng hinayang
Inabot tayo ng kamatayan
Ngayon
Ano, ano ang sasabihin ko
Ngayong di na kita makikita?
Walang orasan na pabalik
Ang ikot, ang ikot
Di na aangat ang buhangin
Ang pagsisisi ay nasa huli
Bakit di ko sinabi?
Bakit di ko sinabi?
Written by: Giro Alvarado, Jed Zulaybar, Mark Armas, Matthew Medrano, Paolo Santos