album cover
Pag-asa
album cover
Pag-asa was released on November 1, 2024 by Guddhist Gunatita as a part of the album Pag-asa - Single
November 1, 2024
LabelGuddhist Gunatita
BPM
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

[Intro]
Alam ko naman na wala na'kong mababalikan
Kaya kung nasa'n man ako ngayon, ginagalingan
[Verse 1]
Alam ko naman na wala na'kong mababalikan
Kaya kung nasa'n man ako ngayon, ginagalingan
Mga pangaral nila sakin na 'di ko natripan noon
Ngayon, unti, unti ko nang naintindihan
[Verse 2]
Siguro nga tama si Nanay
Kailangan kong masanay na mabuhay
Ng mag-isa kasi hindi palaging may karamay
Kaagapay sa bawat sandali, biyayang tunay
Maswerte kung loloobin bago mapuntang hukay
Pasensya na ama't ina kung 'di ko nagawa
Yung mga pangarap niyo sa'kin na aking niluwa
Masyadong napaaga lang siguro't napariwara
Ang kaluluwa kong gusto lang namang may mapala
[Verse 3]
Gustong mabuhay ng malaya
Nilamon ng mga maling akala
Akala ko noon mali sila
Tamang hinala sa paligid ko
Puro sarili ko nalang ang iniisip ko
'Di ko alam lunod na 'ko sa kasisid ko
Buti nalang, nasalba pa 'ko nitong hilig ko
Buti nalang
Oooh, yeah, yeah
[Chorus]
Hindi rin madali, puro pagkasawi
Buti nakabalik pa rin, nakauwi
May pag-asa pa
Ang gaya kong minsang ligaw
May pag-asa pa
Hangga't tayo'y humihinga
[Verse 4]
Aminado na tinatablan pa rin ng lumbay
Kahit na ba na papalapit na sa tagumpay
Pinakamalaki na takot ko ngayon, sumablay
Lalo na't napakarami nang nakasubaybay
[Verse 5]
Pero kailangang magtiwala
Kung 'di man sa tadhana kay Bathala
Iwasan nang maging tamang hinala
Lahat tayo'y pinagpala
Kung 'di ka sasang ayon kaw bahala
Alam mo na yan 'di ka na rin bata
[Verse 6]
Masasabi ko lang tapos na 'ko malibang
Sa mga bagay nagdulot lang nang pagkahibang
Gusto ko nang kuminang na parang tala at buwan
Nagsisilbing liwanag sa paligid na maginaw
Oooh, yeah, yeah
[Chorus]
Hindi rin madali, puro pagkasawi
Buti nakabalik pa rin, nakauwi
May pag-asa pa
Ang gaya kong minsang ligaw
May pag-asa pa
Hangga't tayo'y humihinga
[Outro]
Oooh, yeah, yeah
Written by: Genesis Lago, Loir Jastine Dela Llana
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...