album cover
apoy
Pop
apoy was released on November 8, 2024 by Warner Music Philippines as a part of the album elemento - EP
album cover
Release DateNovember 8, 2024
LabelWarner Music Philippines
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM80

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Paul Ramirez
Paul Ramirez
Vocals
Jhay Ehidio
Jhay Ehidio
Keyboards
COMPOSITION & LYRICS
Paul Ramirez
Paul Ramirez
Lyrics
PRODUCTION & ENGINEERING
Jhay Ehidio
Jhay Ehidio
Producer
Jameson Tenorio
Jameson Tenorio
Producer

Lyrics

Ooh, nagliliyab, mag-ingat ka baka mapaso
Nang-aakit na apoy na umuusok
Unti-unti ka nang natutukso, pa'no ba 'to?
Oh, naiintindihan ko na kailangan
Mo ng init sa gabing naghahamog
Nadadala na naman sa emosyon, ba't ba nagkalayo?
Sinusubukan ko namang lumaban
Kahit magkabilang mundo tayo
Hinahanap, hanap-hanap ko
Ang sarili ko
Ako'y naliligaw, ako'y natutukso
Hinahanap-hanap ka sa piling ko, pa'no ba 'to?
'Di ka matunton
Lumisan ka't ako'y nag-iisa ngayon
Dinama-dama ang init ng apoy na 'di sa'yo
Nanlalambot, ba't ganito? 'Di ko naisip
Na pagkatapos ng sarap ay siyang hapdi
Na natitira mula sa sakit ng pagtataksil
Oh, bakit ba ang hirap nang iwanan?
Mga tukso sa buhay na nasimulan
Siguro 'di na naman natitiis ang pighati
Sinusubukan ko namang lumaban
Kahit magkabilang mundo tayo
Hinahanap, hanap-hanap ko
Ang sarili ko
Ako'y naliligaw, ako'y natutukso
Hinahanap-hanap ka sa piling ko, pa'no ba 'to?
'Di ka matunton
Lumisan ka't ako'y nag-iisa ngayon
Dinama-dama ang init ng apoy na 'di sa'yo
Nasa'n ka? (Nasa'n ka?)
Nasa'n ka? (Nasa'n ka?)
Nasa'n ka? (Nasa'n ka?)
Nasa'n ka?
Biglaang napaso, apoy na nanunukso
Sa isip naglalaro, ba't ba tayo?
Ba't ba tayo nagkalayo?
Ang sarili ko
Ako'y naliligaw, ako'y natutukso (Oh)
Hinahanap-hanap ka sa piling ko, pa'no ba 'to?
'Di ka matunton
Lumisan ka't ako'y nag-iisa ngayon
Dinama-dama ang init ng apoy na 'di sa'yo
Nasa'n ka? (Nasa'n ka?)
Nasa'n ka? (Nasa'n ka?)
Nasa'n ka? (Nasa'n ka?)
Nasa'n ka?
Biglaang napaso, apoy na nanunukso (Nasa'n ka? Nasa'n ka?)
Sa isip naglalaro, ba't ba tayo nagkalayo? (Nasa'n ka? Nasa'n ka?)
Ba't ba tayo nagkalayo?
Written by: Paul Ramirez
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...