Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Dicta License
Performer
Boogie Romero
Keyboards
COMPOSITION & LYRICS
Pochoy Labog
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Pochoy Labog
Producer
Jorel Corpus
Producer
Lyrics
Ikaw na naunang
Umibig sa lupa
Sa kanya sumibol
Ang 'yong hiwaga at diwa
'Di hiwalay kailanman
Ang buhay sa pinagtubuan
Ngunit ika'y pinipilit
Mundo mo ngayo'y tila naninikip
At hindi ko nakita
Hindi ko narinig
Patak ng luha sa lupa
Kailangan ko nang umimik
Ito'y pagpupugay
Sa dakila mong buhay
Matapang na tinig
Sana iyong naririnig
Kape sa umaga
Ginto na minina
Enerhiyang sagana
Kapalit ng 'yong pagdurusa
Dahil hindi ko nakita
Hindi ko narinig
Dugong dumaloy sa lupa
Baguhin ang pag-iisip
Ito'y pagpupugay
Sa dakila mong buhay
Matapang mong tinig
Ngayon sana'y maririnig
Maririnig
Ito'y pagpupugay
Sa dakila mong buhay
Matapang mong tinig
Ngayon sana'y maririnig
Tayo'y kabahagi
Ng kwentong hinabi
Kanyang nilathala
Hinango sa lupa
Written by: Pochoy Labog


