Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
XOXO
XOXO
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Geca Morales
Geca Morales
Composer
Ramiru Mataro
Ramiru Mataro
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Ramiru Mataro
Ramiru Mataro
Producer
Kedy Sanchez
Kedy Sanchez
Producer

Lyrics

INTRO:
pa pa papapa
pa pa papapa
pa pa papapa
pa pa papapa
VERSE:
Kung nadarama mo ay lungkot sa buhay
Makinig ka sa kantang 'to 'Day
Kung walang taas-baba ang buhay mo at pantay
Parang makina sa ospital nagsasabing 'ka’y patay
Sabayan mo
ang ikot ng mundo
at 'wag kang hihinto
Ipakita sa mga tao (sa mga tao)
na nanghuhusga sa ’yo
Dahil ang pinakamahusay
na higanti'y magtagumpay
CHORUS:
Sige lang
Kahit masaktan
Babango't babangon ka naman
(Go lang nang go)
Sige lang
Kahit masaktan
Dahil kasama sa paglaki 'yan
2ND VERSE:
'Wag kang mag-alala
Kung marami ang bunganga na bukas
Kaya anu-anong lumalabas
Utak parang lata na may tagas
Isipin mo lang
Gawin mo na lang kung kinakailangan
Gawa ka'ng masama at mabuti man
Sila'y may masasabi pa rin naman
(Repeat Chorus 2x)
pa pa papapa
pa pa papapa
pa pa papapa
pa pa papapa
RAP PART:
(Go lang nang go)
Sige lang ng sige
’Wag ka papapigil
’Wag mong hahayaan na kung sino lang magsasabi
’Wag mong isuko ang pangarap
Dito ikaw ang nararapat
’Wag papatalo sa pagsubok
Sundin lang ang sigaw ng 'yong puso
Makakayang abutin
Lahat ng mga bituin
Langit man ay dumilim
’Kaw pa ri'y magniningning, ugh!
Malayo man ang tatahakin
Makakamit din ang dalangin
Go lang nang go
Tibayan ang loob
’Wag na ’wag kang basta basta patataob, yuh
Sige lang, diretso pataas na
Kapit lang, ramdam ko na malapit na
Lahat ng paghihirap
at iyong pagsusumikap
Dadalhin ka sa pangarap
na iyong hinahagilap, ugh
BRIDGE:
Sige lang nang sige
Basta go lang nang go
Wala namang mawawala
Puso'y sundin mo (hey!)
(Repeat Bridge 3x)
Kaya . . .
(Repeat Chorus 2x)
OUTRO:
Sige lang (hey!)
Sige lang
(Go lang nang go)
Sige lang (hey!)
Go lang nang go!
Written by: Geca Morales, Ramiru Mataro
instagramSharePathic_arrow_out