Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Jeff Moses
Jeff Moses
Vocals
Mitzi Josh
Mitzi Josh
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Rina May L. Mercado
Rina May L. Mercado
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Ma. Vanessa C. Santos
Ma. Vanessa C. Santos
Producer
Rocky Gacho
Rocky Gacho
Producer

Lyrics

Puwede bang balikan ang ating nakaraan?
Puwede bang ang nakalipas ay 'di na lang umpisahan?
Tuwing nagdidilim, inaasahan na sa 'yo 'ko uuwi
Pero hindi na pala
Bawat mong hiling, piraso ng damdamin ko ang kapalit
Kaya ngayo'y walang-wala
Dahil hindi na tayo, wala na ang pangako
Ang panalangin ko'y laro lang ba sa 'yo?
Akalang 'tinadhana, bigla-biglang nagsawa
Isang iglap, nag-iisa ako
Mata na lang ang nangungusap
'Di na makakilos, 'di na matanaw ang bukas
Tanikala ng nakalipas
Ang nakalulunod, ano ba'ng makakalunas?
Puwede bang balikan ang ating nakaraan?
Puwede bang ang nakalipas ay 'di na lang umpisahan?
Ay 'di na lang umpisahan
Ay 'di na lang
Sadya ngang sa huli, pagsisisihan ang lahat ng nagawa
Kung puwede lang ay ibabalik muli sa dati
Buburahin ang araw na ika'y nakilala
Kung kailan ba nagsimula
Ang mga taong sinayang, binali na sumpaan
Ngiti na dinungisan ng sakit na pinuno
Ang puso ko na dati, walang humpay lumaban
Ngayo'y sinira ng katulad mo
Mata na lang ang nangungusap
'Di na makakilos ('di na makakilos), 'di na matanaw ang bukas
Tanikala ng nakalipas
Ang nakalulunod (ang nakalulunod), ano ba'ng makakalunas?
Puwede bang balikan ang ating nakaraan?
Puwede bang ang nakalipas ay 'di na lang umpisahan?
'Di na makakilos, 'di na matanaw ang bukas (ay 'di na lang umpisahan)
Ang nakalulunod, ano ba'ng makakalunas?
Mata na lang ang nangungusap
'Di na makakilos, 'di na matanaw ang bukas
Tanikala ng nakalipas
Ang nakalulunod, ano ba'ng makakalunas?
Written by: Rina May L. Mercado
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...