Lyrics
Mga pangarap matayog malayo pa lalakbayin kaya di to nagmamadali
Mas lalo ko pang binagalan para mas lumalim ugnayan sa mga dikit
Dun ko namalayan yun mga lumapit lang kasi merong kapalit
Dahil mabagal ang usad silay umalis mga peke lang ang nainip
Pero hindi to galit ako ay masaya pa kasi ngayon alam ko na
Sino ang tunay at sinong hindi, sinong malungkot pag ako'y wala
Di ko na yun kawalan kasi ambag nila ay wala kaya balewala
Para maiba lang di ko na inalam yung rason para sakin di bale na lang
Kontento na to dun sa konte, basta legit kahit maliit
Pero kapag nagipit o naipit kasama sila na maghihimagsik
Yao ming pa yata kapag rumaraket yung asian galawan ko parang si Tmac
Sabi nila i use stone pare mali binato to ng maling balita
Dami ko ng nilapag sa lamesa, hinakot kasi nga ako ay natalo sa giyera
Oras binuhos kasama ang pera ang itinaya sa sugal at roleta
Napasugal kahit pa to dehado't malabong manalo't di makakolekta
Kaso hindi to titigil handang tumaya ibubuhos lahat sa La Mesa
Damn, kahit isama mo na pati pato, palag pa rin to ng palag
Matagal na rin akong mulat sapagkat sa kahapon ako ay bulag
Tipong akala ko dati yung dating ako Ay sapat pero di pa sapat
Napakagat sa hindi manguya may bakas sa labas ang luha pumatak
Reyalidad sumapak, di ako nakapalag
Ikinadena sa maling gawain at di ako makakalas
Epekto lang yata ng murang edad, hindi pa hasa yung mentalidad
Hanggang sa nasanay na to sa balasa ng buhay ako na bangka sa hapag
Di to nag flop, di natatakot sa bluff, di to nag fold dun sa moment
Lapag mo lahat, punta sa top, kasi palagi akong naka all in
Minsan bagsak but I wont stop, next hand ay better kasi nga im on it
Keep it a buck, meron tong royal na flush, poker face lang but I own it
Mag isa tong naglayag at nilisan ang dating ako kaya napalapag
Dahil sa pahayag na mali kahit di madali yung paratang sa akin basag
Oo wasak na wasak na yung diwa't ako'y nadapa pero umaangat
Malas sa buhay aking pinagpag sa lapag mas tumibay aking kalasag
Dati tong binabagabag takbo ng utak ko ay napilay
Gusto ko ng lumagay sa tahimik kaso narinig ko itong mga ingay
Buti na lang meron tao sa buhay ko nung kailangan handang umalalay
Mga paa ko ay nangalay sila ang saklay sa paglalakbay ko umagapay
Kaya ngayon alam ko na kung pano itago't gamitin ang aking baraha
Kahit planado lahat ay kunwareng hindi pa handa kaya wag ipakita
Lahat ng galaw dahil baka maagaw ng tropa na oportunista
Nahhh Di pala tropa ang tawag doon kaya dapat malayo distansiya
Para tong poker hindi na mabasa kung paano ako magbalasa
PaLageng handa manalasa para lang makuha ang chips sa lamesa
Di nawalan ng pagasa kahit binagyo kasi meron tong extra
Dahil yung plano ko ay sineryoso kahit tingin niyo ay komedya
Akala ko dati ay di na to pwedeng mangyare kasi kung iyong ibabase kung san to nanggaling na base Malayo sa amin umuso yung musikang kalye
Di na to para magsabe na tinalikuran ko dati yung hilig kasi yung damit ko tingnan mo detalye
Hiphop palage lageng balanse
Sana ako na yung susi upang umabante ang movement sa amin at mga diyamante mahukay yun ang Importante
Di lang to punchline ito ay karate, ang misyon mas malaki sa higante sa grind di umurong kasi Negosyante
Di tinakasan hindi to pugante bara ko fire parang nasisante
Di to nag flop, di natatakot sa bluff, di to nag fold dun sa moment
Lapag mo lahat, punta sa top, kasi palagi akong naka all in
Minsan bagsak but I wont stop, next hand ay better kasi nga im on it
Keep it a buck, meron tong royal na flush, poker face lang but I own it
Written by: Emil Alfred Solas